COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

- Emosyonal ang isang COVID survivor nang ibahagi nito sa publiko ang napakahirap na laban sa virus

- Bukod kasi sa kanya, tinamaan din ng virus ang kanyang ama na hindi pinalad at binawian ng buhay sa ospital

- Hinikayat nito ang publiko na huwag balewalain ang COVID-19 at sumunod na lang sa mga safety protocols

- Ganunpaman, nananatili itong matatag at nagpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanilang pamilya sa napakahirap na pinagdaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Emosyonal ang isang COVID survivor nang ibahagi ang kanyang napakahirap na laban sa nakamamatay na virus.

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Nica Atienza ang kanyang naging karanasan matapos tamaan ng coronavirus.

Pero marahil, ang pinakamabigat na nangyari sa kanya ay malamang tinamaan din ng virus ang kanyang ama.

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama
Photo: Nica Atienza
Source: Facebook

Kwento ni Nica, March 12 nang una siyang makaranas ng sintomas ng COVID-19. Ang ama naman nito ay may mga sintomas na mula pa noong March 10 ngunit bumuti naman daw ang pakiramdam makalipas ang ilang araw.

Read also

Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

March 15 nang una siyang magpa-swab dahil hindi na raw makahinga ng maayos ang dalaga at hindi na rin makatulog dahil dito. Lumabas na positive ito sa virus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil punuan ang ospital, pinauwi muna siya ng doktor nang araw na iyon ngunit mas tumindi pa raw ang kanyang naramdaman kaya muli siyang nagpa-swab noong March 18 na positive rin ang resulta.

Nang araw ding iyon nang makaramdam na naman ng sintomas ng virus ang kanyang ama at biglaang lumala ang kalagayan. Bago na-admit noong March 22, anim na ospital umano ang tumanggi sa ama ni Nica.

Samantala, siya naman ay na-admit noong March 24. Anito, pareho sila ng ama na nagkaroon din ng pneumonia, pero ito ay kritikal na.

March 29 nang magnegatibo na si Nica sa virus ngunit nang araw ding iyon ay nalaman niyang kailangan nang ma-intubate ng ama. Ngunit hindi rin nagtagal nang bawian na ito ng buhay.

Read also

Jennica Garcia, sinupalpal ang netizen na nambatikos sa kanyang post sa IG

"Akala ko dalawa kaming malalampasan to. Pero wala. I was discharged on my 9th day. Cremated na si Papa. Pagkauwi ko nauna pa si Papa sa bahay pero abo na," ani Nica.

Nakiusap naman ang dalawa sa publiko na sana ay seryosohin ang COVID-19 at sumunod sa mga safety protocols.

Sa kabila ng kawalan, nananatili namang matatag si Nica at nagpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanilang pamilya sa masalimuot na pinagdaanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, isang mag-ama naman ang magkasunod na pumanaw matapos dapuan ng COVID-19.

Sa isa pang report ng KAMI, isang doktor naman ang nagpaalala sa publiko na huwag balewalain ang minimum health protocols kahit mayroon nang vaccines kontra COVID!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone