Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

Kaibigan ng may COVID-19 na nagkulong sa kotse, inilahad ang huling sandali nito

- Matapos na pumanaw ng isang lalaking natagpuan sa loob ng kanyang kotse at positibo na pala sa COVID-19, inilahad ng kanyang kaibigan ang kanilang naging usapan

- Nagawa niyang kumustahin ang dating katrabaho na noo'y nagkukulong na pala sa kotse dahil nabanggit nitong tinamaan na siya ng virus

- Hindi na raw ito nakipagsapalaran sa mga ospital dahil sa punuan na ang mga ito

- Hindi na rin daw ito umuwi pa sa kanyang pamilya sa takot na mahawa niya ang mga ito

- Hanggang sa tuluyan nang hindi naka-reply pa sa mga text at tawag ang kaibigan na noo'y hinang-hina na pala hanggang sa tuluyang bawian na ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng journalist na si Aris Ilagan ang mga huling pag-uusap nila ng pumanaw na kaibigan na si Lyle Parreño na tinamaan ng COVID-19.

Read also

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

Nalaman ng KAMI na si Parreño ang lalaking may COVID-19 at napabalitang natagpuang nagkukulong sa kotse.

Kwento ni Aris sa panayam sa kanya ng CNN Philippines, kinumusta lamang niya ang kaibigang si Lyle na agad namang umamin na tinaaman siya ng virus.

Kaibigan ng may COVID-19 at nagkulong sa kotse, ibinahagi ang kanilang huling pag-uusap
Photo from Lyle Parreno
Source: Facebook

Pansin daw niyang hirap nang huminga ang kaibigan habang kanyang kausap at nasabi pa rin nitong ayos lamang siya.

"Okay lang ako rito pards, basta mag-iingat ka"

Dahil sa puno na raw ang mga napuntahang ospital maging ang quarantine facilities ay minabuti raw ni Lyle na manatili sa kanyang kotse.

Hindi na rin ito umuwi sa kanilang tahanan sa pangambang baka mahawa pa ang kanyang mga mahal sa buhay.

Hanggang sa nagawa pa raw nito na makiusap kay Aris na padalhan siya nito ng load dahil wala umano siyang mabilhan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Mga bumbero, nabulabog sa "prank call" na may sunog sa San Juan kahit wala naman

Iyon pala ang kanilang huling pag-uusap. Hindi na nakasagot si Lyle na noo'y hinang-hina na, ayon sa mga nakakita sa kanya.

"Na-discover ang kaibigan ko na nag lock sa kotse. Umaandar 'yung makina. Puno ng pagkain yung sasakyan. He was found there hinang-hina na siya"

Tila pinanghandaan daw ni Lyle ang pananatili niya sa kotse sa dami ng pagkain natagpuan doon.

Nadala pa umano sa iba't ibang pagamutan si Parreño subalit huli na ang lahat at pumanaw din ito.

"Ayoko na manisi kung bakit nangyari ito sa kaibigan ko. Iba 'yung desisyon na ginawa niya, pero gusto ko lang sabihin na sana seryosohin ang COVID-19. Sunod-sunod na iyong nakikita nating namamatay pero wala tayong help na nakikita"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Lalaking lumabag sa curfew at umano'y pinag-pumping, na-coma at pumanaw din

Kamakailan, isang nurse na mayroong mild symptoms ng COVID-19 ang minabuting gawing "COVID ward" ang kanilang tahanan dahil tinamaan na rin ng virus ang kanyang ina. Tulad ng naging problema ni Parreño, wala na rin silang mahanap na ospital na tatanggap sa kanilang kalagayan.

Ganito rin ang naging problema ng isang anak na walang mapagdalhang ospital sa ama niyang may sintomas ng COVID-19. Laking pasalamat na lamang niya na kahit hinang-hina na ang ama ay nakahanap sila ng ospital na tatanggap dito makalipas ang nasa 12 oras.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica