Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

- Nag-viral ang post ng isang customer na tungkol sa isang delivery rider na nakatapon umano ng isa sa mga order niya

- Kwento nitong, kahit nasa malayo pa lamang ay kita na niya ang pagkabalisa ng rider hanggang makarating ito sa kanila at panay na ang sorry sa kanya

- Ngumiti ang customer na nagpasalamat pa rin sa rider na naghatid ng kanyang pagkain

- Nakita raw niyang naluha ang nagdeliver at maging siya ay aminadong naging emosyonal sa 'di inaasahang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral sa social media ang nakaaantig ng pusong kaganapan na ibinahagi ng netizen na si Michelle Luna ng Makati City.

Nalaman ng KAMI na sa kabi-kabilang mga panlolokong dinaranas ng mga delivery rider, kakaiba ang nangyari kay Michelle nang magpa-deliver siya ng pagkain sa Food Panda noong Abril 2.

Read also

66-anyos na ginamot sa loob ng kanyang kotse, nagpasalamat pa rin sa doktor

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer
Photo: Delivery Rider (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Kwento ni Michelle, tanaw na niya ang rider sa bisikleta nito na tila balisa na bago pa man makarating sa kanyang kinaroroonan.

At nang iabot sa kanya nito ang mga pagkain, panay na ang sorry ng rider dahil sa natapon ang inuming inabot nito.

Subalit imbis na magalit o pagsabihan ang rider, naisipan pa rin ni Michelle na pasalamatan ito.

"What I did, binaba ko lang slight yung mask ko, nginitian siya at sinabing "Ok lang 'yun, salamat sa paghatid ng pagkain ko, na-appreciate ko hard work mo ngayong umaga!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, nakita niyang halos maluha na ang rider na naantig sa kanyang mga sinabi.

He almost cried. I don't know kung may pinagdadaanan si kuya or what. Pero di ba ang simple lang sana ng mundo kung kaya nating i-appreciate ang mga bagay na meron tayo."

Read also

Barangay chairman sa video na hinarang ang mga delivery riders dahil "curfew" na, viral

Aminado rin si Michelle na maging siya ay halos maluha na rin dahil sa kabutihang alam niyang naiparamdam niya sa isang taong tulad ng delivery rider na nagsusumikap sa kabila ng patong-patong na problemang dulot ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa panahon ngayong hindi pa rin makalabas ng todo ang mga tao dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, malaking tulong sa atin ang mga delivery riders na maituturing din nating mga frontliners.

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang mga sakripisyo, may mga taong nagagawa pa silang lokohin o hamakain.

Kaya naman tunay na nakaka-inspire ang kwentong ibinahagi ni Michelle na sana'y magbigay aral sa bawat isa sa atin na maging mabuti, sa anumang sitwasyon at anumang pagkakataon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica