Traffic enforcer, kinagiliwan sa paghataw sa mga 'TikTok Dance'
- Nag-viral ang video ng isang traffic enforcer na nagsasayaw ng 'TikTok' dance sa gitna ng kalsada
- Habang sumesenyas sa daloy ng trapiko, Todo rin ang paghataw nito ng "Sayaw Kikay" at ng "Copines"
- Mapapansing may ilang mga nanonood na rin sa kanya sa gilid ng kalsada at nagmistulang isang show na ang kanyang performance habang isinasaayos ang trapiko sa kanilang lugar
- Ayon sa mga netizens, maganda ang ginawa ng enforcer na nakakabigay ng kasiyahan sa mga bumibyahe lalo na at marami tayong dinaranas ngayon buhat ng pandemya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuwang-tuwa ang mga netizens online dahil sa viral video ng isang traffic enforcer na nagsasayaw ng 'TikTok' dance sa gitna ng kalye.
Sa ilang video ni @chinymaruuuuu ng TikTok, makikita ang traffic management officer (TMO) na todo hataw sa pagsasayaw sa gitna ng kalsada.
Ang nakakaagaw pa lalo ng pansin ng mga dumaraan ay ang music na ginagamit niya sa pagsasayaw na kilalang-kilala ngayon sa TikTok.
Tulad ng "Sayaw Kikay" na talagang napapahiyaw pa ang mga taong nakakakita sa kanyang kumembot habang inisasaayos ang daloy ng trapiko sa kanilang lugar.
Sa isa pang video, ang patok na patok ngayong TikTok dance na "Copines" naman ang sinayaw ng TMO at hindi talaga nagpapahuli sa uso.
Nagmistulang isang show na ang kanyang performance sa gitna ng kalsada dahil mapapansin ang ilang manonood na namamangha sa kanyang ginagawa.
Maging ang mga netizens ay naaliw sayaw ng traffic enforcer at talagang good vibes daw ang hatid nito para sa mga motorista at maging sa mga netizens na nakapanood ng kanyang video.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"May gumagawa na nito dati pero ang nakakatuwa kay sir e TikTok dance ang sinasayaw niya"
"Wow nasa uso si kuya, in fairness sa dance moves niya ah!"
"Nakaka-good vibes naman ito lalo na sa ngayon na marami tayong prino-problema"
"Panalo ang gimik ng enforcer, nakakaaliw lalo na at TikTok dance at music pa ang gamit niya"
"Ingat lang po, baka kasi lalong mag-traffic dahil manonood na lang ang mga dadaan dahil sa husay niyo po na magsayaw!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa panahon ng pandemya, isa ang TikTok sa mga nagsilbing pang-aliw ng maraming Pilipino.
Ang ilan, ginawa rin itong mabisang paraan upang makuha ang atensyon ng mga netizens tulad na lamang ng Department of Health na gumawa ng TikTok dance sa pagbibigay ng tips kung paano makaiiwas sa COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh