Delivery riders, 'di agad naniwala sa malaking halaga na bigay ni Basel Manadil

Delivery riders, 'di agad naniwala sa malaking halaga na bigay ni Basel Manadil

- Isa na namang video ng pagtulong ang ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil

- Sa pagkakataong ito, mga delivery riders muli ang napili niyang mabiyayaan dahil sa mga panlolokong nangyayari sa kanila kamakailan

- Subalit marahil dahil sa mga panlolokong kanilang nararanasan, 'di agad sila naniniwala sa tulong na binibigay ni Basel

- Kailangan pang ulit-ulitin ng vlogger na totoo ang kanyang ibinibigay at hindi iyon isang prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nagbigay ng good vibes ang bagong vlog ni Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer."

Nalaman ng KAMI na ang mga food delivery riders naman ngayon ang napili niya muli na mabiyayaan.

Umorder siya sa ilang delivery apps at ang masuwerteng rider na maghahatid sa kanya ng mga pagkain ay binigyan niya ng malaking tip.

Read also

Julie's Bakeshop commercial, kinagiliwan ng netizens lalo na ng mga "tita"

Delivery riders, 'di agad naniwala sa malaking halaga na bigay ni Basel Manadil
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Subalit kapansin-pansin ang halos pare-parehong reaksyon ng mga riders na tila di makapaniwala sa malaking halagang binibigay sa kanila ni Basel.

Hanggang sa isang rider ang nagsabi na natatakot siya na baka 'prank' lamang ito.

"Kasi 'yung iba nangloloko, oorder sa amin kahit gabing-gabi na, magde-deliver kami ng gabi tapos pag dating namin doon wala"
"Natatakot din kasi ako sir baka mamaya, 'it's a prank!'"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kaya naman pilit na ibinigay ni Basel ang pera at kinuha ang tiwala ng riders na hindi ito isang prank at kaya niya ito ginawa dahil sa mga nakita, nabasa at napanood niya kamakailan na mga fake booking sa masisipag na delivery riders.

Ipinaliwanag ni Basel na gusto lamang niyang magpasalamat sa mga delivery riders na tulad ng kanyang mga nabiyayaan at para iparamdam sa mga ito na may mga taong nakaka-appreciate ng sakripisyo ng mga ito.

Read also

Anthony Taberna, tinanggap na ang komento ng KPop fans ukol sa kamukhang aktor

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nito lamang Marso, mga jeepney at bus drivers ang binigyan ng biyaya ni Basel dahil alam daw niya ang hinaing ng mga ito na matumal na ang pasada.

Ito ay sa kabila ng nangyaring nakawan sa kanyang restaurant, mas pinili pa rin ni Basel na maging positibo at magbigay ng tulong sa kapwang higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica