Basel Manadil, nakilala na ang magnanakaw na nanloob sa kanyang resto

Basel Manadil, nakilala na ang magnanakaw na nanloob sa kanyang resto

- Sa tulong ng mga netizens, nakilala na ni Basel kung sino ang nanloob sa isa sa kanyang mga restaurants

- Dahil na rin sa CCTV footage na kanyang ibinahagi, maging ang mga subscribers niya na taga roon ay mas madaling nakilala ang suspek

- Agad na nila itong ipinagbigay sa pulisya lalo na at positibo sila sa nakuhang impormasyon

- Gayunpaman, ibinalita naman ni Basel na sa kabila ng nangyaring nakawan, magbubukas naman sila ng ikatlong branch ng YOLO

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakilala na ang umano'y nanloob sa restaurant ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na malaking bagay na ipinakita ni Basel sa kanyang vlog ang CCTV footage ng aktwal na pagnanakaw ng kawatan na nakapasok sa YOLO Retro Diner.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Dahil dito, marami siyang nakuhang impormasyong natanggap na nagsasabing kilala nila at positibo sila kung sino ang nagnakaw sa retaurant ni Basel.

Basel Manadil, nakilala na ang magnanakaw na nanloob kanyang resto
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Ang tattoo na makikita sa magkabilang braso ng suspek ang siyang naging lead ng mga nakakilala sa kanya.

Kasama ng manager ng kanyang resto, agad nilang ipinagbigay alam sa pulisya ang impormasyon at nais lamang daw ni Basel na turuan ng leksyon ang magnanakaw na ito para hindi na umulit pa sa iba.

Nilinaw din ni Basel na hindi inside job ang nangyari at siniguro niyang hindi ito magagawa ng kanyang mga empleyado.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Napalagyan na rin ni Basel ng grills ang bintanang nilusutan umano ng kawatan.

Samantala, sa kabila ng mga hindi magandang nangyaring ito, masaya namang inanunsyo ni Basel na magkakaroon na ng ikatlong branch ang kanyang YOLO Retro Diner na magiging katabi lamang ng kanyang Korean Mart.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto

Sa pagbubukas ng bagong branch, masaya si Basel na mas marami pa siyang mabibigyan ng trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang sa pagbubukas ng taon, inilahad ni Basel ang nangyari sa biglaang pagkawala ng kanyang itinuring na "Abeoji" sa kanyang mga vlogs.

Sa kabila ng nangyari na ito sa kanila ni Mr. Chang, binuksan pa rin niya ang Korean store na Yeoboseyo na ang inspirasyon talaga ay ang kanyang "Abeoji".

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Si Mr. Chang pa sana ang mamahala ng store na ito upang sana'y hindi na ito mahirapang maglako sa kalsada subalit sinabing mas pinagkatiwalaan pa umano nito ang isa pang vlogger na si Bobby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica