Julie's Bakeshop commercial, kinagiliwan ng netizens lalo na ng mga "tita"
- Viral ngayon ang bagong advertisement ng Julie's Bakeshop para sa kanilang ika-40 na anibersaryo
- Kakaiba ang konsepto nito na hango umano sa tunay na karanasan ni "Tita Julie"
- Sa commercial, makikita ang isang lalaki na hindi tinantanan ang dalawang "tita" na nakasabay niya sa gym
- Nagulat ang mga netizens sa twist ng commercial na ang mensahe lamang ay "Stop tita shaming"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena online ang pinakabagong commercial ng Julie's Bakeshop sa pagdiriwang nila ng ika-40 na anibersaryo.
Nalaman ng KAMI na mabilis itong nag-viral sa kanilang social media pages at tila maraming mga "tita" ang naka-relate.
Tungkol kasi ito sa isang lalaki na nakasabay na mag-gym ang dalawang tita na hindi niya tinantanan sa mga simpleng banat niya ng umano'y pang-iinsulto.
Laking gulat ng mga netizens nang biglang dumating si "Tita Julie" ang bigla na lamang nilagyan ng harina ang lalaki hanggang sa patuloy na niya itong minasa para gawing tinapay.
Ngunit bago pa man ito maging isang pan de sal, patuloy pa rin ang pang-iinsulto ng lalaki sa dalawang tita.
"Kaya stop shaming, kasi pwedeng fresh pa rin kahit 40 na, Julie's!"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa panayam ng Spot.ph sa Gigil productions na siyang gumawa ng konsepto ng kakaibang commercial na ito, hango ito sa totoong kwento ng buhay ni Julie Gandionco.
"Tita age" na si Julie nang magsimula sa kanyang negosyong bakeshop at tulad ng mensahe sa ad, kahit 40 taon na ang nasabing bakeshop, fresh pa rin ang kanilang mga kilalang produkto.
Sa ngayon, 89 taon na si Tita Julie at mayroon na ring 500 branches ang kanyang bakeshop sa buong Pilipinas.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nobyembre ng nakaraang taon nang mambulabog sa social media ang nakakaliw na advertisement ng RC Cola. Matatandaang tungkol ito sa isang anak na lalaki na kinuwestyon ang kanyang ina kung bakit mayroon siyang apat na baso sa kanyang likuran.
Isang buwan lamang ang lumipas nang ipalabas ang isa pa muling commercial ng RC Cola tungkol sa babaeng miyembro ng banda na nais nang kumalas dahil siya raw ay "kakaiba"
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Lahat ng mga patalastas na ito ay mula sa malikhaing isipan ng Gigil ad agency na siyang gumagawa ng makabagong commercials na madalas na nating mapanood.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh