Bagong commercial ng RC Cola, ikinagulat ng maraming netizens

Bagong commercial ng RC Cola, ikinagulat ng maraming netizens

- Mabilis na nag-viral at nag-trending ang bagong advertisement ng RC Cola Philippines dahil sa kakaiba nitong konsepto

- Sa una, aakalaing ma-drama ang senaryo na ito lalo na at umiiyak ang anak na nagtatanong sa ina kung siya ba ay isang ampon

- Nadadala na raw ang emosyon ng mga netizens nang bigla silang ginulat ng mga sumunod na nangyari na siyang naging usap-usapan ng marami

- Aminadong halo-halong emosyon daw ang naramdaman ng mga netizens tungkol sa konsepto ng viral na ad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa iba't ibang social media platforms ang pinakabagong commercial ng RC Cola Philippines.

Nalaman ng KAMI na mabilis itong nag-viral matapos na maipalabas sa unang pagkakataon noong Nobyembre 26.

Tungkol ito sa isang anak na lalaki na umiiyak na umuwi at nagtatanong sa ina kung siya ba ay isang ampon.

4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na
Bagong commercial ng RC Cola, mabilis na naging usap-usapan online

Napatulala ang maraming netizens sa pinakabagong ad ng RC Cola Philippines. Photo: Getty Images
Source: UGC

Sa umpisa ng ad, aakalaing madrama ang eksena ng mag-ina. Ngunit laking gulat ng mga nakapanood sa sumunod na nangyari.

Ipinakita kasi ng anak na mayroong apat na baso itong tila tumubo sa kanyang likuran na siyang labis niyang ipinagtataka.

At ang sumunod na nangyari, ipinagtapat na ng ina ang katotohanan na magpapatunay na hindi ampon ang kanyang anak.

Sa bahaging ito, aminadong napatulala ang mga netizens dahil sa kakaibang konsepto ng commercial.

May hashtag itong #BastaRCColaMasarap! at agaw-eksena rin talaga ang caption ng ad na "Di naman kailangan ng maraming rason para bumili ka! Basta 'pag nauhaw ang pamilya, RC Cola! #BastaRCCola"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naiiyak na sana ako noong umpisa tapos bigla akong napanganga. Horro pala ito RC"
"Kudos sa nakaisip! sana lahat ng patalastas ganyan ka entertaining."
Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes
"Funny but I got the message of the concept.Pushing boundaries ! Love it."
"This is so Pinoy! ang galing ng nakaisip ng concept na ito. Great job RC!"
"Ang taba ng utak ng nag-conceptualize nito. Sana ipakilala siya ng RC"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang RC Cola o Royal Crown ay isang Food and beverage company. Bukod sa RC Cola, sila rin ang kompanya na gumagawa ng Juicy Lemon, Arcy's Root Beer at Fruit soda na mabenta at kilala rin sa bansa.

Tulad ng advertisement ng RC, nag-viral din kamakailan ang Christmas Ad ng Disney na nagtampok sa Paskong Pinoy na labis na ikinatuwa ng mga Pilipino.

Gayundin ang karamihan sa advertisements ng McDonald's na madalas na pumukaw ng puso nating mga Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel