Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

- Mabilis na nag-viral ang Pinoy-themed Christmas advertisement ng Disney

- Ipinakikita nito kung paano magdiwang ang mga Pilipino ng Kapaskuhan mula noon hanggang ngayon

- Lalong pumukaw sa mga puso ng netizens ang karakter ng lola at ng kanyang apo na sumisimbolo sa pagmamahal na namumutawi sa bawat pamilyang Pinoy

- Hindi rin mawawala ang simbolo ni Mickey Mouse na pagmamay-ari na ng lola mula pa noong siya ay bata na hanggang sa siya ay magkaroon na ng apo ay pinahahalagahan pa rin niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Paskong Pinoy sa Christmas ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

Disney (Photo from PxHere)
Source: Facebook

Agaw-eksena ngayon sa social media kalalabas lamang na Christmas advertisement ng Disney kung saan masasalamin ang Paskong Pinoy.

Nalaman ng KAMI na may pamagat ang short film na ito na "From our Family to Yours" na nagpakita ng kasiyahan tuwing sasapit ang Kapaskuhan sa Pilipinas.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Sa unang eksena pa lang na sinabing taong 1940 ginanap, makikita ang makukulay sa parol sa bawat tahanan at kalsada.

Makikita rin tradisyong pagsisimbang gabi at ang pagbibigay ng mahalagang regalo sa ating mahal sa buhay.

Sa tagpong iyon, isang laruang 'Mickey Mouse' na ang ibinigay ng ama sa bata. Nangangahulugan lamang na ang karakter na ito ay mahal na ng mga bata noon pa man.

Hanggang sa kanyang pagtanda at pagkakaroon ng apo ay pinahalagahan na niya ang laruang ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Madalas din nilang kasama ng lola at apo ang Mickey Mouse toy na ito tuwing gumagawa sila ng parol para sa pasko.

Subalit sa paglipas ng panahon, dala na rin ng iba pang gawain ng apo, unti-unti na nitong naiisang tabi ang noo'y bonding nila ng kanyang lola na paggawa ng parol.

Lolit Solis, pinagtanggol si Arnell Ignacio sa gitna kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Hanggang sa makita niya ang lungkot sa mata ng lola nang minsan niya itong iwan.

Pagbalik, bumawi ang apo at gumawa siya ng maraming parol upang maipadama sa lola ang totoong diwa ng pasko para sa kanya.

Inayos din nito ang Mickey Mouse na laruan na dahil may kalumaan ay nasira na.

Emosyonal ang tagpong ito dahil kahit nasa ibang bansa na ang mag-lola, ipinakitang nadama pa rin ng matanda ang Kapaskuhan sa Pilipinas dahil sa kanyang apo.

Narito ang kabuuan ng video na pumukaw sa puso ng maraming Pinoy netizens:

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na naging emosyonal matapos na mapanood ang Christmas ad na ito:

"Thanks Disney for this Pinoy themed Xmas. This gives Pinoys hope in this time of pandemic. Keep safe everyone."
"Nakakataba naman ito ng puso, Paskong Pinoy pa talaga ang napili ng Disney."
"Hindi ko namamalayan humahagulhol na pala ako. Paskong Pilipino po ito, nakaka-proud"
Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT
"Pinakamahabang Pasko po sa Pilipinas kaya naman napakahalaga ng panahong ito sa mga Pilipino, Tuloy ang pasko kahit may pandemya, tuloy ang saya"
"Excited pa rin akong mag-Pasko kahit hindi na ganito kagulo ang mga kalsada dahil sa pandemya. Nakaka-miss"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad nang makikita sa Christmas Ad ng Disney, noon pa man ay napamahal na talaga ang kanilang mga pelikula at palabas sa mga Pilipino.

Hanggang ngayon, ay patuloy nating tinatangkilik ang mga produkto ng Disney na nagbibigay saya sa mga batang Pinoy.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel