Ivana Alawi, handang harapin ang kasong maugong na isasampa sa kanya dahil sa 'street prank"

Ivana Alawi, handang harapin ang kasong maugong na isasampa sa kanya dahil sa 'street prank"

- Nagbigay na ng reaksyon si Ivana Alaw tungkol sa umugong na balita na maari siyang makasuhan dahil sa street prank na kanyang ginawa

- Matapang naman niyang sinagot haharapin niya ang kaso kung mayroon man siyang nalabag sa nagawa niyang vlog na nag-viral kamakailan

- Aniya, masaya siya sa kanyang ginagawang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan

- Nagbigay din siya ng update tungkol sa kutsinta vendor na tumulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makalipas ang ilang linggo, nagbigay na ng reaksyon si Ivana Alawi kaugany sa umugong na balitang maari umano siyang kasuhan dahil sa "street prank" na kanyang ginawa na nag-viral kamakailan.

Nalaman ng KAMI na sa latest vlog ni Ivana na "Filipino Breakfast Mukbang +Diamond Button," isa sa mga tanong sa kanya ay ang reaksyon niya kaugnay sa sinasabing kaso na maari niyang harapin.

Read also

Delivery rider sa "lugaw issue", ipinakitang nagsara na ang lugawan

Ivana Alawi, haharapin ang kasong maugong na isasampa sa kanya dahil sa 'street prank"
Photo from Ivana Alawi
Source: Instagram
"Kung may nalabag akong batas, edi kasuhan na lang nila ako, haharapin ko yun, lalaban ako 'di ba!"
"Kasi para sa akin, I didn't do anything wrong! Ang intensyon ko is just to help out and to inspire people"
"Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video and I will do ito again!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang tinutukoy na video ni Ivana ay ang pagpapanggap umano niyang pulubi kung saan nanghihingi siya ng tulong sa mga taong nadadaanan niya sa kalsada.

Isa na nga rito ang kutsinta vendor na si Joselito Martinez na nagbigay sa kanya ng Php20, pinakain pa siya at bibilhan pa sana siya ng maiinom.

Nagbigay na rin si Ivana ng update tungkol sa pagkikita muli nila ng kanyang Tatay Joselito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pahayag ng sinasabing brgy. personnel sa "lugaw issue", kalat na sa socmed

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12 million ang kanyang YouTube subscribers.

Nito lamang Linggo, Marso 14, ibinahagi ni Ivana ang kanyang vlog kung saan nagpanggap siyang namamalimos sa mga tao sa lansangan.

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ng mga Pinoy na sa kabila ng hirap na dinaranas ay nakuha pa ring tumulong sa iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel