Ivana Alawi at kutsinta vendor na nagpaiyak sa kanya, nagkita na muli

Ivana Alawi at kutsinta vendor na nagpaiyak sa kanya, nagkita na muli

- Kalat na ang mga video ng ilang netizens na nakakita kina Ivana Alawi at Tatay Joselito Martinez sa muli nilang pagkikita

- Si Tatay Joselito ang puto/kutsinta vendor na umantig sa puso ni Ivana nang siya ay magpanggap na pulubi

- Pinakain at binigyan pa siya ng Php20 ni Tatay Joselito kahit hirap din ito sa buhay

- Labis na naantig si Ivana sa kabutihan ng tindero kaya naman pinahanap niya talaga ito para dagdagan pa ang naibigay niyang tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkita nang muli si Ivana Alawi at Tatay Joselito Martinez na talagang pinahanap niya matapos na umantig sa puso niya ang ginawang kabutihan nito.

Nalaman ng KAMI na ilang mga netizens na ang nakapagbahagi ng video kung saan namataan nilang magkasama sina Ivana at Tatay Joselito.

Una silang nakita sa isang appliance center at tila ipinamimili ni Ivana ng nga kagamitan sa bahay ang kutsinta vendor.

Read also

Basel Manadil, nakilala na ang magnanakaw na nanloob sa kanyang resto

Ivana Alawi at kutsinta vendor na nagpaiyak sa kanya, nagkita na muli
Ivana Alawi (Photo from @ivanaalawi
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matapos nito, may mga nagbahagi naman ng video kung saan makikitang inaasikaso ni Ivana si tatay Joselito at kasama nito habang kumakain sa isang restaurant.

Dahil dito, maraming netizens ang nasasabik na mapanood ang kabuuan ng vlog ni Ivana ng muling pagkikita nila ng mabait na si Tatay Joselito.

Samantala, narito ang isa sa mga video mula sa Jha Viral Stories na nagpakita ng muling pagtatagpo ng dalawa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

Nito lamang Linggo, Marso 14, ibinahagi ni Ivana ang kanyang vlog kung saan nagpanggap siyang namamalimos sa mga tao sa lansangan.

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ng mga Pinoy na sa kabila ng hirap na dinaranas ay nakuha pa ring tumulong sa iba.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa na nga rito ang kutsinta vendor na si Tatay Joselito Martinez na hindi nagdalawang isip na bigyan siya ng Php20. Bukod dito, nakipagkwentuhan pa ito sa kanya at nang malamang hindi pa kumakain si Ivana, binigyan siya nito ng paninda.

Inalok din niya si Ivana ng maiinom. Doon labis na naantig ang aktres sa kabutihan ni Tatay Joselito na sobra-sobra ang kabutihang ipinaramdam sa kanya.

Noong araw na iyon ay tinumbasan niya ng Php 20,000 ang binigay na Php20 ng tindero ngunit nasabi niya sa kanyang vlog na ipahahanap niya muli ito para madagdagan pa ang tulong na ibibigay niya para sa pamilya na rin ni Tatay Joselito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel