Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

- Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang nangyari sa kanya bago naganap ang pagkikita nila ni Ivana Alawi at ng pamilya nito

- Bago pa man siya nakaalis sa kanilang bahay ay nakulong siya sa kanilang banyo at nasira ang lock ng pinto ng banyo

- Sa halip na mataranta ay naisip na lamang ni Donnalyn na i-vlog ang nangyari sa kanya habang naghahanap ng paraan para makalabas

- Sa tulong ng kasamahan nila sa bahay, nakalabas siya sa pamamagitan ng pagbaklas ng isang bahagi ng bintana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bago pala maganap ang kinakiligang pagtatagpo ni Donnalyn Bartolome at Hash Alawi ay may hindi inaaasahang kaganapan sa bahay nina Donnalyn.

Muntik na siyang hindi makalabas sa kanilang banyo matapos masira ang lock ng pinto nito.

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago sila nagkikita nila ni Ivana Alawi
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Piolo Pascual, nagpagawa ng mansiyon sa Batangas para sa kanyang pamilya

Imbes na mataranta ay naisip na lamang ng vlogger na i-record ang kanyang karanasan. Naghanap siya ng mga paraan kung paano siya makakalabas.

Maging ang mga kasamahan sa bahay ay tumulong na rin. Pinukpok ang doorknob sa labas ng banyo para bumigay at tuluyan nang mabuksan ang pinto.

Gayunpaman, hindi naging matagumpay ang paraang ito kaya sinubukan nilang sirain na lamang ang isang bahagi ng bintana.

Nabaklas ni Dona ang screen sa bintana at doon niya sinubukang lumabas.

Nang makalabas na ay tumuloy na siya papuntang sasakyan para makabiyahe na papunta sa tahanan ng mga Alawi kung saan ginawa nila ang video na "Yaya For A Day".

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Read also

Kapitan ng naka-lockdown na barangay, hinangaan sa pagkolekta ng basura ng mga residente

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang isa si Donnalyn sa mga vloggers na aktibong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo at malawakang pagbaha. Nag-donate din siya ng bangka para magamit sa pag-rescue ng mga nasalanta ng bagyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel