Piolo Pascual, nagpagawa ng mansiyon sa Batangas para sa kanyang pamilya

Piolo Pascual, nagpagawa ng mansiyon sa Batangas para sa kanyang pamilya

- Marami ang bumilib hindi lamang sa ganda ng mansiyon ni Piolo Pascual sa Batangas kundi maging sa pagpapahalaga nito sa pamilya at mga kaibigan

- Itinayo ang mansiyon sa matas na lugar sa Batangas at doon namamalagi ang kanyang ina at iba pang kapamilya nila

- Isang virtual tour ang ibinahagi ni Vicki Belo at Hayden Kho nang minsan ay bisitahin nila ang aktor na malapit na kaibigan nila sa totoong buhay

- Nauna nang naipakita sa YouTube channel ni Dra. Belo ang bahay kung saan namamalagi si Piolo na mas malapit naman sa dagat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinabiliban ng netizens ang magarang mansiyon ni Piolo Pascual na kanyang ipinagawa sa taas ng bundok.

Doon namamalagi ang ibang mahahalaga kay Piolo kabilang na ang kanyang ina. Sinigurado ng aktor na komportable ang kanyang pamilya sa bahay na kanyang pinagawa.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

Piolo Pascual, nagpatayo ng mansiyon sa Batangas para sa kanyang pamilya
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang video na ibinahagi ni Vicki Belo sa kanyang YouTube channel, malapit sa tabing dagat ang bahay na tinutuluyan ni Piolo na nabili niya noon bilang isang resort.

Inilibot ni Piolo ang mga kaibigang sina Hayden at Dra. Belo sa kaniyang mansiyon. Bukod sa isang mahabang pool na kung saan makikita ang napakagandang tanawin na dagat sa ibaba, kapansin-pansin din ang iba't-ibang halaman na nakatanim.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naroroon ang ina ni Piolo at inabutan nila itong nasa kanyang veranda na nakatanaw sa magandang tanawin sa labas ng kanyang silid.

Ibinahagi nito ang kanyang napagkakakaabalahan kaya hindi siya nababagot sa kanyang pamamalagi doon. Bukod sa painting, tinatapos din ng mommy ni Piolo ang isang beadwork kung saan tinatadtad ng beads ang isang larawan para magkakulay ito.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea ALonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Kamakailan ay nag-donate si Piolo ng 200 na bike para sa bike drive ni Gretchen Ho. Nauna na ring ring naibahagi ni Piolo ang kanyang resthouse sa Batangas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel