Kapitan ng naka-lockdown na barangay, hinangaan sa pagkolekta ng basura ng mga residente
- Viral ngayon ang larawan ng kapitan ng isang naka-lockdown na barangay sa Maynila
- Nakita siya ng isang residente nila na kusang nagkokolekta ng mga basura sa bawat bahay
- Kinuhanan siya ng larawan dahil proud ang kanyang ka-barangay sa pagmamalasakit niya sa kalinisan ng kanilang lugar
- Hangad ng marami na pamarisan ng iba pang mga pinuno ng barangay ang ginawa na ito ng kapitan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang ginawang pagkukusa ng isang kapitan ng naka-lockdown na barangay sa Maynila.
Nalaman ng KAMI na ang kapitan na ito ay si Chairman Bong Viray ng Barangay 374.
Ayon sa netizen na si Janeel Basco Abrea, saludo umano siya sa ginagawa ng kanilang kapitan na nagbabahay-bahay sa pagkolekta ng mga basura nila.
Dahil sa lockdown, hindi makalalabas ng basta-basta ang mga residente.
Kaya naman makikita sa larawan na ang brgy. chairman ang nag-iikot sudlong ang malaking trash bin para lang makuha at hindi mamaho ang mga basura ng kanyang nasasakupan.
"Big salute sa chairman namin Bong Viray ng Barangay 374, Manila. Dahil bawal kaming lumabas, siya na mismo kumukuha ng basura sa bahay-bahay" ayon sa post.
Talagang proud ang residente sa ipinakitang katangian ng kanilang pinuno. Humingi pa siya ng paumanhin dito at kinuhaan niya ito ng larawan sa pag-iikot.
"Ganito din ba chairman nyo? Chaiman, pasensya na kinuhaan kita ng picture ng palihim"
Bukod sa ginagawa ng kapitan, mapapansin din na talagang walang sumusuway at walang ibang tao sa kalye kundi siya.
Kapansin-pansin din ang kalinisan sa lugar at maayos na nakabalot ang mga basura ng mga residente kaya naman madali lamang itong makolekta ng pinuno ng kanilang barangay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens na humanga sa barangay captain:
"Ganyan ang pinuno, hindi mando lang ng mando ng gagawin, siya na mismo ang ehemplo"
"Nakaka-proud po na taga brgy. 374 po ako. Kapitan namin yan!"
"Saludo po kami sa inyo kahit hindi niyo kami nasasakupan. Ang linis po ng lugar niyo kahit stolen shot ang picture, makikitang malinis at may kaayusan ang lugar!"
"Dapat po kayong tularan kapitan! kahanga-hanga po ang leadership niyo"
"Wow! ito ang tamang katangian ng isang lider na dapat talagang tularan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tatlong araw na ang nakararaan nang i-anunsyo ang lockdown sa anim na barangay sa Maynila na mayroong tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Nagsimula ito noong Marso 17 ng hatinggabi na tatagal hanggang Marso 20 ng 11:59 ng gabi.
Kamakailan ay nagsimula na namang pumalo sa halos 5,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw.
Karamihan pa rin ng mga naitatalang nagpopositibo ay mula sa National Capital Region.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh