Netizen, kinuwestiyon at pinangaralan pa umano ang isang buntis ngayong pandemic
- Viral ngayon ang isang post na nagpapakita kung paano kinuwestiyon at pinangaralan ng isang netizen ang isang buntis
- Maraming mga netizens din ang nagulat sa kakaibang reaksyon umano ng lalaki
- Nanindigan din umano ito sa kanyang paliwanag na hindi raw karapat-dapat na magbuntis at manganak sa panahon ngayon
- Nabanggit ng uploader na may ilang mga nagsabi sa kanya na ganoon na talaga ang ugali ng lalaking nambatikos noon pa man
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Usap-usapan ngayon online ang kakaibang reaksyon ng isang netizen tungkol sa isang post ng nagdadalang-tao.
Ibinahagi ni Joana Claire ang komento ng isang netizen na nagngangalang Ryan Joseph Montenegro na imbis na maging masaya para sa buntis ay tila kinuwestyon at pinangaralan pa niya umano ito.
Isang larawan ng ultrasound ang post kung saan nagkomento umano si Ryan ng "Hala, why now? pandemic pa!"
Doon nangsimula ang diskusyon ng mga netizens kung saan nagulat din sila sa komento ni Ryan.
Ngunit mas lalong napataas ang kilay ng marami nang panindigan pa lalo nito ang kanyang pananaw.
Aniya, mahirap manganak sa panahon ngayon sa kondisyon ng mga ospital. Mas malaki rin daw ang magagastos dahil sa mga karagdagang gagawin tulad ng pagsusuot ng mga PPE maging ng mister na sasama sa buntis bilang pag-iingat sa COVID-19.
"Well, it's risky! would you want your child na ipanganak sa magulong mundo?" tahasang nasabi ni Ryan.
At kahit pa marami ang nagtanggol sa buntis, mas lalo pang dinepensahan ni Ryan ang kanyang katwiran.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"My opinion is firm, marami ang naghihirap ngayon at isa sa malaking issue ngayon ang overpopulation. Nothing against them, but in general people may question "bakit hindi sila nag-antay na matapos ang pandemic bago sila nag-anak?"
"The mere fact that they share their life in social media would make them vulnerable to people who are about to give their personal opinion"
"My take on this, kung mahal mo ang iyong anak, bakit mo siya ipanganganak sa magulong mundo? Bakit mo siya ipanganganak sa panahon na nagdurusa ang mga tao sa kinahaharap na pandemya?" pagpapatuloy pa ni Ryan.
Samantala, sa comment section nabanggit ng uploader na tila maraming mensahe siyang natanggap tungkol kay Ryan. Matagal na raw na ganoon ang pag-uugali nito at unawain na lamang dapat ang kanyang kondisyon.
Ang ilan din ay sumang-ayon naman kay Ryan dahil baka iyon daw ang paraan nito ng pagpapakita ng malasakit sa pamilya lalo na sa sanggol na ipapanganak pa lamang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay nag-viral din ang isang post tungkol sa isang Jollibee crew na nagawang sigaw-sigawan ng kanyang customer. Bagaman at nakuha ang plate number ng sasakyan, hindi na nalaman kung sino ang mga customer na nanigaw sa kaawa-awang crew.
Agaw-eksena ang post kamakailan kung saan nakunan ng isang pasahero kung paano "nililinis" at "dini-disinfect" ang mga tren ng MRT-3. Agad naman itong inaksyunan ng pamunuan at sa kasamaang palad, natanggal pa sa trabaho ang mga cleaning staff.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh