Delivery rider sa "lugaw issue", ipinakitang nagsara na ang lugawan

Delivery rider sa "lugaw issue", ipinakitang nagsara na ang lugawan

- Ipinakita ng delivery rider na sangkot sa "lugaw issue" na sarado na ang lugawan kung saan nag-order ang cutomer bandang 1:30 ng madaling araw

- Sinasabing bukas pa rin ito sa kadahilanang kasama naman ang mga pagkain sa "essential goods" na patuloy pa rin ang operasyon at serbisyo

- Pakiusap ng rider na sana rin ay matapos na ang isyu at marami na ang naapektuhan sa nangyaring pagsita sa kanya

- Nilinaw na rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ang "lugaw" sa essential goods bilang ito ay isang pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang sinapit ng food delivery rider na si Marvin Ignacio sa viral video, ipinakita rin niya na nagsara na ang lugawan sa kontrobersyal na "lugaw issue" sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte sa Bulacan.

Sa update ng mismong rider na sinita ng mga barangay personnel sa nasabing lugar, ipinakita niya ang larawan ng "Lugaw Pilipinas" kung saan nag-order ang kanyang customer bandang 1:30 na ng madaling araw noong Marso 31.

Read also

Harry Roque, nilinaw na isa sa mga "essential goods" ang lugaw, taliwas sa viral video

Delivery rider sa "lugaw issue", ipinakitang nagsara na ang lugawan
"Lugaw Pilipinas" (Photo from Marvin Ignacio)
Source: Facebook
"Update po sa Lugaw Pilipinas, ito siya ngayon naka close na."

Hiling din ng rider na matapos na sana ang isyu dahil marami nang mga trabahong naapektuhan.

"Ang daming naapektuhan sa nangyari. Nawalan ng pagkukuhanan, sana maayos na po yung issue, may mga pamilya rin po kaming binubuhay."

Mabilis na nag-viral ang Facebook live video ni Ignacio kung saan makikita mismo ang paninitang ginawa sa kanya ng babaeng tanod umano sa Barangay Muzon.

Hinarang siya at hindi na pinayagang mai-deliver ang lugaw sa kadahilanang hindi raw ito "essential goods."

Talagang gumawa ito ng ingay sa social media lalo na at malinaw naman na ang lugaw ay isang pagkain na kasama sa mga sinasabing "essential goods" na patuloy ang operasyon at serbisyo sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa NCR Plus.

Maging si Presidential Spokesperson Harry Roque ay naglabas ng pahayag ukol sa issue upang mabigyan liinaw na ang lahat.

Read also

Tanod na nanita sa Grab rider dahil 'di raw "essential goods" ang lugaw, viral

Nakarating na rin kasi ang naturang viral video sa Malacañang at binigyang diin niya na ang lugaw ay isang "essential good" taliwas sa iginigiit ng babaeng tanod sa video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, isinailalim na sa enhanced community quarantine ang Greater Manila Area.

Halos sa buong buwan ng Marso, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada-araw. Pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw ay noong Marso 29 kung saan lumampas na ito sa bilang na 10,000.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica