Paggunita sa ika-141 kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Quezon

Paggunita sa ika-141 kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Quezon

- Ngayong araw ay ang ika-141 kaarawan ni Manuel Quezon

- Taong 1938 nang maglabas ng proklamasyon si Quezon kaugnay sa Wikang Filipino sa bansa

- Kilalanin naman ang pinagmulan at kasaysayan ng Ama ng Pambansang Wika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Si Manuel Luis Quezon y Molina ay ipinanganak noong August 19, 1878 sa El Principe, Tayabas province na kilala ngayon bilang Baler, Aurora.

Ang kanyang mga magulang ay sina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila at retired Sergeant ng Spanish Civil Guard.

Habang ang kanyang ina na si María Dolores Molina ay isa namang guro sa kanilang bayan.

Nagsilbi bilang presidente ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944 si Quezon.

Edad 9 nang dalhin si Quezon sa Maynila para mag-aral hanggang sa siya ay tumungtong na sa kolehiyo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sumuporta siya sa mga Espanyol laban sa mga nasyonalistang Pilipino ngunit noong 1899 ay umanib siya kay General Aguinaldo sa guerrilla war laban sa mga Amerikano.

Taong 1906 nang mahalal bilang gobernador ng Tayabas si Quezon matapos itong magsilbing prosecutor sa Mindoro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Taong 1907 naman nang maitalaga siya bilang majority floor leader at chairman of the committee on appropriations sa kauna-unahang Philippine Assembly na kinalaunan ay tinawag na House of Representatives.

1916 nang bumalik si Quezon sa Maynila at nahalal bilang senador at kinalaunan ay naging Senate President kung saan siya nagsilbi ng 19 taon hanggang 1935.

Taong 1922 nang maging lider ng Nacionalista Party si Quezon.

Taong 1935 nang mahalal bilang presidente si Quezon sa kauna-unahang national presidential election sa ilalim ng Nacionalista Party.

Nakakuha ito ng boto na halos 68% laban sa mga katunggali na sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay.

Noong Disyembre 1938, naglabas si Quezon ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula dito.

Matapos ang pananakop ng mga Hapon sa bansa noong World War II, lumipat si Quezon sa Corregidor at pagkatapos ay sa Visayas at Mindanao.

Sa imbitasyon ng gobyerno ng Amerika, nag-evacuate sa Australia si Quezon at pagkatapos ay lumipat sa US.

Pumanaw ito noong August 1, 1944 sa sakit na tuberculosis sa Saranac Lake, New York.

Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos.

Kalaunan ay muling inilibing sa Sementeryong Norte sa Maynila noong July 17, 1946 bago inilipat sa Quezon Memorial Circle noong August 19, 1979.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone