COVID-19 cases sa Pinas, tatlong araw nang 'di na bumababa sa 9,000 ang mga bagong kaso
- Nananatiling nasa 9,000 pa rin ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa
- Tatlong magkakasunod na araw nang nasa mahigit na 9,000 ang dumadagdag na kaso mula pa noong Marso 26
- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 105,568 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
- Halos dalawang linggo nang 'di bumababa sa 4,500 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumalo na naman sa bilang na 9,475 ang mga dumagdag na nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, Marso 28.
Ito na ang ikatlong araw kung saan mahigit 9,000 ang dumadagdag na bagong kaso kada araw.
Ayon sa Department of Health, mayroon na ngayong 721,892 na kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Sa bilang na 9,475, 95.5% sa mga ito ay mild, 2.5% naman ang asymptomatic cases. 0.8 % ang severe, at 0.7 % naman ang nasa kritikal na kondisyon at 0.43% naman ang moderate.
Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 105,568 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala sa kabila ng mataas na bilang ng mga naidagdag na confirmed cases, 22,000 naman ang mga naitalang naka-recover at 11 naman ang mga pumanaw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,000 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw at tila patuloy pa ring tumataas.
Patuloy pa ring dumarami ang mga dumadagdag na kaso kung saan nitong Marso 26, halos 10,000 ang dumagdag o nasa 9,838.
Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kasalukuyan ding tinatawag na "NCR plus" ang Metro Manila at mga karatig lugar nito tulad ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite. Ipinatutupad sa mga lugar na ito ang mas istriktong polisiya sa ilalim pa rin ng general community quarantine.
Dahil sa hindi mapigilang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo na si Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsasailalim ng "NCR plus" sa enhanced community quarantine.
Ito ay upang maibsan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 at panatilihin muli sa kani-kanilang mga tahanan ang mga taga-Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite mula Marso 29 hanggang Abril 4.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ilang mga showbiz personalities ang 'di mapigilang maglabas ng kani-kanilang saloobin ukol dito.
Sa kabila kasi ng patuloy na pagpapaalala sa publiko ng mga safety protocols, may mga ilan pa rin na lumalabag at posibleng nagiging dahilan ng patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh