Tanod na nanita sa Grab rider dahil 'di raw "essential goods" ang lugaw, viral

Tanod na nanita sa Grab rider dahil 'di raw "essential goods" ang lugaw, viral

- Viral ngayon sa soial media ang video kung saan inabot ng curfew ang isang Grab rider na magde-deliver ng pagkain

- Pinaliwanagan siya ng isa umanong tanod tungkol sa oras ng kanya raw dapat na pagde-deliver

- Sinabi pa ng tanod na hindi raw "essential goods" ang lugaw na ide-deliver ng rider

- Gumawa ito ng matinding ingay sa social media at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang viral video ng Grab rider na nahuli dahil umano sa curfew.

Nalaman ng KAMI na "lugaw" ang ide-deliver umano ng rider ngunit "lampas" na raw ito sa itinalagang curfew na 6 p.m. hanggang 5 p.m.

Isa umanong babaeng tanod ang kumausap sa rider at nagpakita pa ng memorandum patungkol sa pinatutupad na curfew.

Read also

Pahayag ni DILG Usec. Densing tungkol sa Lugaw, viral sa social media

Tanod na nanita sa Grab rider dahil 'di raw "essential goods" ang lugaw, viral
Grab Food delivery rider (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Ngunit ang labis na ikinainit din umano ng ulo ng maraming netizens ay nang sabihin ng tanod na hindi essential goods ang lugaw.

"Essential goods po ba si lugaw? Hindi... Kasi mabubuhay ang tao ng walang lugaw"

Paliwanag pa ng tanod na ang essential goods daw na maituturing ay ang "tubig, gatas, toothpaste"

Katwiran ng rider na pagkain naman ang lugaw ngunit sinopla pa rin ito ng tanod at sinabing "e di sana lahat ng pagkain bukas!"

Bagaman at nabanggit ng babaeng tanod ang "food" tila pinanindigan pa rin nito na "hindi essential ang lugaw."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

"Paano po kung may sakit ang kakain ng lugaw? Hindi pa rin po ba palalampasin ang mga rider?"

Read also

Harry Roque, nilinaw na isa sa mga "essential goods" ang lugaw, taliwas sa viral video

"Palagay ko po Ms. Tanod hindi naman po papayagan ng Grab na magdeliver pa sila ng ganyang oras kung bawal"
"FYI po, lugaw po ay food at kayo na po mismo ang nagbanggit na "food and essential goods" ang pwede"
"Buti na-video ni Grab rider, kudos din sa kanya sa pagiging mahinahon kasi may mga bukas po talagang kainan na 24 oras para sa mga frontliners natin kung hindi po ako nagkakamali"
"Ate, pakibasa po ulet, parang kayo po ang nalito, food po ang lugaw, pagkain po"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi mismo ng delivery rider na si Marvin Ignacio:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, isinailalim na sa enhanced community quarantine ang Greater Manila Area.

Read also

Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19

Halos buwan ng Marso, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada-araw. Pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw ay noong Marso 29 kung saan lumampas na ito sa bilang na 10,000.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica