Pahayag ni DILG Usec. Densing tungkol sa Lugaw, viral sa social media
- Viral ngayon ang naging biro ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III tungkol sa lugaw
- Kaugnay ito ng kumalat na video ng isang Grab food rider na magdedeliver sana ng lugaw pero hinarang ng mga tanod
- Sa panayam kay Densing, sinabi nito na hindi raw essential "si Lugaw" ngunit "ang lugaw" ay essential
- Umani ang pahayag ng opisyal ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Usap-usapan ngayon ang naging biro ni Department of Interior ang Local Goverment (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III tungkol sa viral na lugaw.
Sa isang panayam dito ng programang Sa Totoo Lang, nagbiro si Densing tungkol sa kaibahan ng "si Lugaw" at "ang lugaw".
Kaugnay ito ng kumalat na video ng isang Grab food rider na magdedeliver sana ng lugaw pero hinarang ng mga tanod dahil hindi raw essential ang lugaw.
"Tama ho 'yun. Tama. Tama 'yung sinabi niya [tanod]. Sabi niya kasi, non-essential si Lugaw, o talagang ano, hindi talaga essential si Lugaw. Pero kung sinabi niya, essential ang lugaw, 'yon tama 'yun. "ang lugaw". Pero "si Lugaw" ang binanggit niya eh. Non-essential talaga 'yon sa pananaw namin," ani Densing.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sumagot naman ang isa sa mga host na: "Teka muna, alam ko kung sinong sinasabi mo."
Matapos nito ay itinaas ni Densing ang kanyang mga daliri at gumawa ng 'peace' sign tsaka sinabing: "Peace".
Maraming netizens ang nagsabing si Vice President Leni Robredo ang tinutukoy ni Densing sa kanyang pahayag. Binatikos ng ilan ang opisyal dahil sa kanyang naging biro ukol dito.
Madalas na gamitin ng mga bashers ni Robredo ang "lugaw" para ilarawan ang bise.
Samantala, paglilinaw naman ni Densing maaaring magdeliver ng pagkain 24/7 kahit pa sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isa pang report ng KAMI, nauna nang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa mga essentials ang lugaw.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh