Harry Roque, nilinaw na isa sa mga "essential goods" ang lugaw, taliwas sa viral video
- Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na kasama sa mga maituturing na essential good ang "lugaw"
- Nakarating na umano sa kanila ang viral video kung saan sinita ng isa umanong barangay personnel ang delivery food rider na magde-deliver ng lugaw
- Gumawa talaga ng ingay ang video na ito dahil sa malinaw naman na pagkain ang lugaw at talagang kasama sa mga essential goods
- Sa kabila rin ng pagpapatuapd ng enhanced community quarantine ay 24/7 pa rin ang delivery ng pagkain at 'di raw ito dapat na hinaharang sa checkpoints
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na mag-viral ng video ng paninita sa Grab delivery rider na magde-deliver ng "lugaw," naglabas ng opisyal na pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque ukol dito.
Nalaman ng KAMI na nakarating na rin sa kanila ang naturang viral video na gumawa talaga ng ingay sa social media.
Ibinahagi ng GMA News correspondent na si Joseph Morong ang bahagi ng pahayag ni Roque.
"Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good"
Sa kumakalat kasing video ng Grab delivery rider na nasita dahil "curfew" na umano, pilit na iginigiit ng barangay personnel na hindi maituturing na essential goods ang "lugaw."
“Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw," paliwanag ng sinasabing babaeng tanod.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nagpaliwanag naman ang rider na pagkain ang lugaw ngunit tila pinanindigan na lamang ng personnel ang kanyang nasabi.
“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako, hindi nyo ba naiintindihan?"
Naganap ang komprontasyong ito bandang 1:30 a.m sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Orihinal na ibinahagi ni Marvin Ignacio ang naturang video na may tagal na mahigit 30 minuto.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa, isinailalim na sa enhanced community quarantine ang Greater Manila Area.
Halos buwan ng Marso, hindi na bumaba sa 4,000 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada-araw. Pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw ay noong Marso 29 kung saan lumampas na ito sa bilang na 10,000.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh