Tiktok video na tribute ni Gigo De Guzman sa ina na si Claire Dela Fuente, viral

Tiktok video na tribute ni Gigo De Guzman sa ina na si Claire Dela Fuente, viral

- Nag-viral ang TikTok video ni Gregorio "Gigo" De Guzman na alay niya umano sa yumaong ina na si Claire dela fuente

- Makikita sa video na sinasayaw ni Gigo ang popular na awitin ng kanyang ina na "Sayang"

- Subalit, nilinaw niya na ang video na ito ay kuha noon pang Pebrero 22 at hindi ngayon kung kailangan kamamatay lamang ng "Jukebox Queen"

- Ang ilan ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay habang ang ilan naman ay tila kinuwestyon ang video ni Gigo na alay para sa ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ni Gregorio "Gigo" De Guzman sa TikTok na umano'y alay niya para sa yumaong ina.

Nalaman ng KAMI na repost lamang ni Gigo ngayong Marso 31 ang video na orihinal niyang ibinahagi noon pang Pebrero 22 nang kasalukuyang taon.

Read also

Gigo De Guzman, idinetalye ang mga 'huling lambing' ng inang si Claire Dela Fuente

Tiktok video na tribute ni Gigo De Guzman sa ina na si Claire Dela Fuente, viral
Gigo De Guzman kasama ang ina na si Claire Dela Fuente (@clairedelafuente)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa video, sumayaw si Gigo ng TikTok dance moves sa saliw ng popular na awitin ng ina na "Sayang." May caption din ang video na "A tribute to my mom."

Marami ang nagpadala ng mensahe ng pakikiramay habang ang ilan naman ay tila kinuwestyon pa ang naturang video na agad din namang sinagot ni Gigo sa hiwalay na TikTok post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marso 30 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ng isa sa mga "OPM legend" ng bansa na si Claire dela Fuente dahil sa atake sa puso. Ilang araw din itong kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 na siyang dahilan kung bakit sa ospital siya binawian ng buhay habang natutulog.

Read also

Anak ni Claire dela Fuente na si Gigo De Guzman, idinetalye ang pagkakaroon nila ng COVID-19

Tinagurian siyang "Asia's sweetest voice" at siya rin ang nagpasikat ng mga awiting "Minsan, Minsan", "Nakaw na Pag-ibig" at "Sayang".

Isa rin siya sa tinaguriang "Jukebox queens" kasama si Eva Eugenio, Imelda Papin at Didith Reyes.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami rin ang nagsasabing siya ang "Karen Carpenter" ng Pilipinas.

Kamakailan, nasangkot sa kontrobersya ang anak nitong si Gregorio De Guzman na isa umano sa akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Hanggang sa huli, patuloy niyang ipinaglalaban ang pagiging inosente ng kanyang anak sa kontrobersyal na pagkamatay ni Dacera. Mapapansin ito sa mga huling social media post ng veteran singer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel