Gigo De Guzman, idinetalye ang mga 'huling lambing' ng inang si Claire Dela Fuente

Gigo De Guzman, idinetalye ang mga 'huling lambing' ng inang si Claire Dela Fuente

- Idinetalye ni Gigo De Guzman ang mga huling pag-uusap nila ng namayapang ina na si Claire Dela Fuente

- Pareho silang tinamaan umano ng COVID-19 ngunit ang ina ang kinakitaan ng mga sintomas

- Naramdaman umano ni Gigo ang ilang mga senyales na tila namamaalam na sa kanya ang ina

- Maayos pa niyang nakausap ang ina isang araw bago ito binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang oras matapos na lumabas ang balitang pumanaw na ang OPM icon na si Claire Dela Fuente ay nagpaunlak na ng panayam ang anak nitong si Gigo De Guzman.

Nalaman ng KAMI na pareho pa umanong tinamaan ng COVID-19 ang mag-ina subalit si Dela Fuente ang kinakitaan ng sintomas kung saan siya ay nilagnat.

Sa panayam kay Gigo ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, kinumpirma nitong cardiac arrest ang ikinamatay ni Dela Fuente sa kanyang pagtulog.

Read also

Anak ni Claire dela Fuente na si Gigo De Guzman, idinetalye ang pagkakaroon nila ng COVID-19

Gigo De Guzman, idinetalye ang mga huling lambing ng inang si Claire Dela Fuente
Sina Gregorio De Guzman at ina na si Claire Dela Fuente (@clairedelafuente)
Source: Instagram

Dala umano ito ng iba pa niyang iniindang karamdaman tulad ng hypertension at diabetes bukod pa sa COVID-19 na nagdulot ng matinding stress sa isa sa mga "Jukebox Queen" ng bansa

Nabanggit pa ni Gigo na maayos pa niyang nakausap ang ina kahapon, Marso 29 at inaming nagkaroon pa umano sila ng kaunting 'di pagkakaunawaan.

"Yesterday, she was fine, I got to speak to her. Got to argue with her one last time, because she gave me the wrong address and she didn’t tell me she was transferred to another hospital. She made me order food for her."

Ngayon lamang niya napagtanto na ang ilang mga huling sandali at "lambing" ng ina ay tila senyales na namamaalam na ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"All the while she kept worrying about me and my symptoms. I told her not to worry about me because she’s the one who needs, who is more at risk"

Read also

Pinoy priest, isa sa mga nagde-develop ng tableta kontra COVID-19

"There were signs and moments na like, for example, she asked me to stay with her, beside her for the last night she spend here at the house before she has to go to the ER. She wanted company."
"I took it as a sign na they knew in a way, they were already telling me na, they always love me… ‘Anak, ikaw na bahala okay”

Nag-iwan naman ng mensahe si Gigo sa mga fans ng kanyang ina at siniguro rin niyang kakayanin nilang magkapatid ang mga pagsubok na kinahaharap ngayon ng kanilang pamilya.

"Sa mga fans po ng nanay ko sa mga sumuporta sa kanya, sa mga taong natulungan niya, thank you po for everything you've done for my mom. For giving her such a fulfilling life and know that we will be strong. Me and my brother we're raised to be strong by my mom and my dad so we will be okay"

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Claire Dela Fuente ay isa sa mga sikat na OPM singer sa bansa na gumawa ng pangalan sa larangan ng musika noon dekada 70.

Tinagurian siyang "Asia's sweetest voice" at siya rin ang nagpasikat ng mga awiting "Minsan, Minsan", "Nakaw na Pag-ibig" at "Sayang".

Isa rin siya sa tinaguriang "Jukebox queens" kasama si Eva Eugenio, Imelda Papin at Didith Reyes.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami rin ang nagsasabing siya ang "Karen Carpenter" ng Pilipinas.

Kamakailan, nasangkot sa kontrobersya ang anak nitong si Gregorio De Guzman na isa umano sa akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Hanggang sa huli, patuloy niyang ipinaglalaban ang pagiging inosente ng kanyang anak sa kontrobersyal na pagkamatay ni Dacera. Mapapansin ito sa mga huling social media post ng veteran singer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica