Pinoy priest, isa sa mga nagde-develop ng tableta kontra COVID-19

Pinoy priest, isa sa mga nagde-develop ng tableta kontra COVID-19

- Isang Filipino priest ang kabilang sa mga gumagawa ng oral vaccine na mas madaling maibigay sa mga tao kumpara sa bakuna

- Ayon sa pari na isa ring molecular biologist, gawa sa yeast o pampaalsa ang isinasagawa nilang oral vaccine

- Maari raw umano itong ihalo sa tubig, gatas, wine at beer kung saan mas madali itong matunaw

- Inaasahang maisasa-publiko ito bago ang Kapaskuhan ngayong taon at sinasabing makapipigil ito sa pagpapalala ng sintomas ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang Filipino priest na si Fr. Nicanor Austriaco sa mga nagsasagawa ngayon ng oral vaccine kontra COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isa ring molecular biologist ang pari at bahagi rin siya ng OCTA Research Group.

Inaasahan mas magiging madali ang pagbibigay nito sa publiko dahil isa itong "tableta" kumpara sa mga lumalabas na bakuna ngayon na kinakailangan pa ng doktor o nurse na magtuturok para makuha.

Read also

Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpositibo muli sa COVID-19

Pinoy priest, isa sa mga nagde-develop ng tableta kontra COVID-19
Photo from Public Domain
Source: UGC

Sa panayam ng GMA News kay Fr. Nicanor, sinabi nitong yeast ang pangunahing sangkap na ginamit nila sa pag-develop ng naturang oral vaccine.

"We want to take a common probiotic yeast, Saccharomyces boulardii is the name of the yeast. You can actually go to Watsons to buy it today. We genetically engineered this yeast so it will produce the spike protein of SARS-CoV-2 in your body"

Ayon pa sa kanya, maari itong ihalo lamang sa tubig, gatas, wine at maging beer o anumang madaling matunaw para inumin.

Hindi na raw kakailanganin pa ng mga doktor o nurse para rito gayung hindi ito bakuna na ituturok sa tao kundi iinumin lamang ito at mas madali rin itong maipapamahagi.

"You don't need a doctor, you don't need a nurse, you don't need an injector, you don't need a refrigerator. For our country, with more than 7,000 islands, millions of Filipinos in the bundok, how will you deliver the vaccine to them?"

Read also

Post ng isang doktor na "wala pang sahod", umantig sa puso ng netizens

Plano nilang magsagawa ng testing nito sa Uiversity of Santo Tomas upang makita kung gaano magiging epektibo ito kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tinatayang bago ang Kapaskuhan ngayong taon mailalabas ang tableta na magsisilbing pangontra sa COVID at makapipigil sa matinding epekto nito sa tao.

"Earliest is maybe by Christmas, maybe we have studies from people, and if it works, I have to find someone to manufacture in the Philippines and we have to figure out how to distribute it"

Nilinaw din ng pari na hindi nangangahulugan 'di na tatamaan ng COVID-19 ang iinom ng tabletang ginagawa nila.

"I do not expect that an oral vaccine like this is going to have efficacies as high as mRNA vaccines made by Pfizer and Moderna but my hope is, it is high enough that it will allow a Filipino not to go to a hospital if he gets sick... I don't want you to get sick, go to hospital and then die"

Read also

Miss Grand International PH, lalong hinangaan dahil sa kanyang mga sagot sa Q&A

"My goal for this scrappy vaccine, this very earthy vaccine is that it will provide enough protection for the Filipino people so we will not have to go to hospital"

Sinabi pa niyang 80 hanggang 85% itong magiging epektibo kung saan maiiwasan ang paglabas ng malubhang sintomas at maging ang pagkamatay dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagpatak ng Marso ngayong taon, sumipa na naman ang mataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Katunayan, limang araw nang hindi bumaba sa 9,000 ang mga dumadagdag na kaso araw-araw.

Mula pa noong Marso 13, hindi na rin bumaba sa bilang na 4,500 ang mga naitatalang nagkakaroon ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

May ilan pa ngang matapos na magkaroon ng COVID-19 at gumaling noong nakaraang taon ay tinamaan muli. Isa na rito ang Quezon City Mayor Joy Belmonte. Walong buwan lamang ang nakararaan nang una siyang tinamaan ng COVID- 19 at ngayon ay muli na naman siyang naka-quarantine dahil din sa ilang sintomas na dinaranas niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica