Post ng isang doktor na "wala pang sahod", umantig sa puso ng netizens

Post ng isang doktor na "wala pang sahod", umantig sa puso ng netizens

- Agaw eksena sa social media ang post ng nagpakilalang doktor sa Philippine General Hospital

- Sa kanyang tweet, inaabisuhan niya ang kanyang ina na mamili na ng pagkain dahil sa ECQ

- Sinabi ng ina nito na hindi pa sila makapamili dahil wala pang sahod ang ama

- Nabahala ang doktor subalit wala rin daw umano itong magawa dahil wala pa raw silang sinasahod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ngayon sa social post ang isang post ng nagpakilalang doktor sa Philippine General Hospital na may Twitter name na Kim Taekook @kmivn_.

Ibinahagi ito ng netizen na si Baby Aquino kung saan makikita ang tweet ng doktor na binabalaan ang kanyang ina na mag-imbak na ng pagkain dahil magkakaroon muli ng enhanced community quarantine.

Post ng isang doktor na "wala pang sahod", umantig sa puso ng netizens
Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook
Messaged my mom: "Ma, bukas magstock kayo kahit kaunti jan para sa ECQ"

Read also

Doktor, emosyonal na ibinahagi na nagkukulang na rin ng mga gamot at pasilidad sa ospital

Ma: "Wala pang sahod ang papa mo"
Me, a doctor in PGH ( a central COVID referral facility) looks into my salary ATM with 1 peso balance

Ayon pa sa doktor, tatlong buwan na itong nagtatrabaho sa hospital ngunit wala pa umano silang sinasahod.

"Hay. I can't even help feed my own family especially now na ECQ na" dagdag pa ng doctor.

Dahil dito, umantig sa puso ng maraming netizens ang hinaing ng doktor ngunit ang ikinabahala nila ay iba pang mga ordinaryong mamamayan na lalong naghihikahos dala ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"OMG...doctor na yan, how much more kung ordinaryong Pilipino? Baka kahit singkong duling walang makutkot"
"Naka-relate kami kay doc, yun pamilyang need magtrabaho para may pantustos sa araw-araw.Then nag ECQ wala pang sahod pano na kaming ordinaryong pamilyang walang trabaho walang sahod.

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

"Tapos kayo pa po ang buwis buhay doc sa dami ng COVID cases ngayon. ingat po kayo"
"Sana ang mga medical frontliners ang inuuna pasahurin kasi hirap na hirap na sila ngayon lalo na at andami na namang cases"
"May pamilya rin po na binubuhay ang mga medical frontliners, sana naman 'wag silang gipitin sa sahod"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahigit isang linggo na hindi bumababa sa 4,500 ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw sa Pilipinas, Kamakailan na nga lang ay umabot sa halos 10,000 o 9,838 ang mga naitalang dumagdagdag sa mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Marso 26.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang na ito, inanunsyo na ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malalagay muli sa ECQ o enhanced community quarantine ang "NCR Plus" mula Marso 29 hanggng Abril 4.

Read also

Miss Grand International PH, lalong hinangaan dahil sa kanyang mga sagot sa Q&A

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Pinagbabawalan muling lumabas ang lahat at tanging mga frontliners at mga nagtatrabaho para mag-supply ng essential goods ang pahihintulutang lumabas.

Labis na kasing nakaalarma ang pagbulusok ng mga nagkakaroon ng COVID-19 dahilan para mapuno na rin ang mga ospital sa Metro Manila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica