UST professor na may COVID-19, 'di agad na-admit at nag-hospital hopping

UST professor na may COVID-19, 'di agad na-admit at nag-hospital hopping

- Ikinuwento ng isang UST professor kung paano siya naghanap ng pagamutan matapos siyang abutin ng mataas na lagnat

- Punuuan na ang mga ospital na maging ang UST hospital kung saan mayroon siyang benipisyo bilang guro ay di na rin siya natanggap

- Nakailang ospital pa siya bago mabigyan ng paunang lunas sa Fe Del Mundo Hospital

- Isang linggo mula nang tumaas ang kanyang lagnat, nagpositibo siya sa COVID-19 gayundin ang kanyang 13-anyos na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mataas na lagnat, narasan ng UST professor na si Vanessa Villanueva ang "mag-hospital hopping" dahil sa wala na umanong tumanggap sa kanya at punuan na ang mga ito.

Nalaman ng KAMI na Marso 12 nang pumalo sa 38°C ang lagnat ng propesora kaya naman naisipan na niyang magpunta sa pagamutan.

Read also

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Sa panayam sa kanya ng GMA News, una niyang pinuntahan ang UST hospital kung saan siya may mga benepisyo bilang isang guro roon.

UST professor na may COVID-19, 'di agad na-admit at nag-hospital hopping
Photo from Pixabay
Source: UGC

Sa kasamaang palad, hindi na siya tinanggap doon dahil nasa "full capacity" na ang pagamutan.

Sumunod siyang pumunta sa Capitol Medical Center sa Quezon City ngunit bumungad na kaagad sa kanya ang puno na rin ang ospital partikular sa mga COVID-19 patients.

Bagaman at alam niyang puno na, kapansin-pansin pa rin daw ang patuloy na pagdating ng mga sasakyan ng mga pasyente.

Huli na niyang pinuntahan ang Fe Del Mundo Hospital kung saan siya nabigyan ng paunang lunas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“38 na ‘yung lagnat ko. Hindi na ko makatayo, eh, kasi hospital-hopping ka na, may sakit ka na, nag ta-taxi ka, hindi mo kaya, kaya lang wala ka nang choice”

Read also

Kuya Wil, naluha sa kwento ng natawagang 11-anyos na mayroon pa lang leukemia

Isang linggo mula nang siya ay lagnatin, lumabas na positibo siya sa COVID-19 gayundin ang kanyang 13-anyos na anak.

At dahil sa kakulangan na mga pasilidad at punuan na ang mga ospital, pinili na lamang nilang mag-ina na magpagaling sa kanilang tahanan. Mino-monitor na lamang sila ng kanilang barangay upang masiguro na nasa maayos pa rin silang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong Marso 13, nakapagtala ng 5,000 na bagong kaso sa loob ng isang araw. Bago pa ito, 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 12 at mula noon ay hindi na bumababa sa 4,500 ang mga naitatalang kumpirmadong kaso sa loob ng isang araw at tila patuloy pa ring tumataas.

Read also

Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment

Kahapon, Marso 26, umabot sa halos 10,000 ang naitalang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Kasalukuyan ding tinatawag na "NCR plus" ang Metro Manila at ilang karatig bayan nito kung saan ipinatutupad ang mas istriktong polisiya sa ilalim pa rin ng general community quarantine.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica