Kuya Wil, naluha sa kwento ng natawagang 11-anyos na mayroon pa lang leukemia

Kuya Wil, naluha sa kwento ng natawagang 11-anyos na mayroon pa lang leukemia

- Viral ngayon ang panayam ni Willie Revillame sa batang si John Martin na kanyang natawagan sa "Tutok to Win"

- Naikwento ni John Martin o "JM" na sa eda niyang 11 ay nakikipaglaban na siya sa sakit na leukemia

- Ulila na si JM at tanging ang kanyang kapatid ang sumusuporta sa kanya maging sa kanyang gamutan

- Labis na naantig ang puso ni Willie sa kwento ng bata kaya naman bibigyan niya ito ng pampagamot at tablet para sa kanyang online class

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maluha ni Willie Revillame nang makausap ang 11 taong gulang na batang si John Martin o JM sa "Tutok to Win".

Nalaman ng KAMI na nakikipaglaban sa sakit na leukemia si JM na nalaman lang nila noong Setyembre ng nakaraang taon.

Kwento ni JM, matagal na raw talaga siyang nag-aabang ng tawag sa kanyang Kuya Wil dahil nais niyang makahingi ng tulong mula rito.

Read also

Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment

Willie Revillame, naluha sa kwento ng 11-anyos na mayroon pa lang leukemia na kanyang natawagan
Photo from Willie Revillame
Source: Facebook

Ulila na sa parehong magulang si JM at tanging ang kapatid na lamang niya ang nag-aaruga at sumusuporta sa kanya maging sa kanyang gamutan. Namatay ang kanyang ama sa sakit na tuberculosis habang ang ina naman niya ay hindi na niya nakilala dahil namatay ito sa pagsilang sa kanya.

"Sana matulungan niyo po ako Kuya Wil para po sa pambili ng gamot!"

Labis na naantig ang puso ni Willie sa sitwasyon ng batang ito kaya naman dinoble niya ang ipadadalang tulong para sa gamutan ni JM.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bukod pa rito, bibigyan din ni Willie ng tablet ang bata na magagamit daw nito sa kanyang online class.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni JM sa kanyang Kuya Wil. Nangako rin ang host na magkikita sila ni JM kung maayos na ang sitwasyon natin at pwede na niya itong mayakap.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kilala rin siya sa pagtulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan at kamakailan nga, boluntaryo siyang magpapahatid ng tulong sa napanood niyang jail doctor sa dokumentaryong "I-witness."

Isa rin siya sa mga tumulong sa mga kababayan nating jeepney drivers na ilang buwang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon bunsod ng lockdown.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel