Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment

Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment

- Sinubukan ng vlogger na si Foreigngerms ang "rich vs. poor" social experiment

- Nilinaw niya na isa lamang itong social experiment at wala siyang intensyon na ipahiya ang hindi nagbigay sa kanya ng limos

- Nakamamangha na kung sino pa ang may sapat lamang na kinikita sa araw-araw, iyon pa ang mga mabibilis magbigay

- Bilang pabuya, binibigyan din ni Foreigngerms ng may kalakihang halaga ng pera ang sinomang nagbibigay sa kanya ng limos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nakagawa ng kabutihan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Pinoy ang vlogger na si Sam Ousta o mas kilala bilang si "Foreigngerms" sa YouTube.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabago niyang vlog na inilabas noong Marso 22, sinubukan niya ang "rich vs. poor" social experiment.

Umikot siya sa lugar kung saan nakatataas ang estado ng mga tao at sinubukang manlimos.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

Vlogger na nagpapanggap na pulubi, sinubukan ang "rich vs. poor" social experiment
Photo from Foreigngerms vlog
Source: UGC

Nakalulungkot isipin na ni isa sa kanyang mga nilapitan ay hindi siya napa-unlakan ng kahit ano at ang iba ay dinaanan lamang siya.

Subalit nang pumunta siya sa lansangan kung saan marami siyang nakasalubong o nalapitang mga ordinaryong tao, nakamamangha marami ang nagbigay sa kanya.

Isa sa mga nalapitan niya ay ang nag-aayos ng mga halaman na dumanas pala ng mild stroke.

Ibinili siya nito ng softdrinks para makainom daw muna ang nagpanggap na pulubi. Namangha si Sam sa ginawang kabutihan nito kaya naman binigyan niya ito ng may kalakihang halaga ng pera bilang pasasalamat.

Isa rin ang lalaking matapos siyang limusan ay sinabing sumilong na ito at umuulan na. Muli, binigyan niya ito ng gantimpala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At ang pinaka-nakakantig sa lahat ay ang buko vendor na binigyan siya ng dalawang perang papel na labis lalong ikinagulat ni Sam.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang pangyayari bago ang pagkikita nila ni Ivana Alawi

Nang papaalis na ang buko vendor saka inabot ng vlogger ang kanyang pabuya rito at hindi pa halos ito makapaniwala.

Talagang naluha ang tindero ng buko sa biyayang hindi niya inaasahang matatanggap sa araw na iyon.

Samantala, nilinaw naman ni Sam na wala siyang intensyon na ipahiya ang mga taong hindi nagbigay sa kanya na minabuti rin niyang takpan ang mga mukha. Bahagi lamang daw ito ng kanyang social experiment.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Sam Ousta ay mula sa Syria ngunit nananatili na sa Pilipinas sa loob ng 15 taon. Isa siya sa mga content creator sa bansa na pawang pagtulong sa mga kababayan nating Pilipino ang kanyang ginagawa. Mas kilala bilang si "Foreigngerms" sa kanyang YouTube channel at mayroon na siyang 328,000 subscribers.

Read also

Sharon Cuneta, sinupalpal ang basher na nanghamak sa kanya

Tulad ni Sam, isa rin sa mga kilalang vlogger sa bansa ay si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer." Hilig din ni Basel ang tumulong sa mga Pinoy at ang pinakahuling natulungan nga niya ay ang mga jeepney at bus drivers na nabigyan niya ng "ayuda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica