Vlogger na nagpanggap na pulubi, pinakyaw at ipinamigay ang paninda ng isang tindera

Vlogger na nagpanggap na pulubi, pinakyaw at ipinamigay ang paninda ng isang tindera

- Hinangaan ang isang vlogger na na nagpanggap na isang pulubi at pinapakyaw ang paninda ng tumutulong sa kanya

- Isa sa mga natulungan niya ay ang tindera ng almusal na nagbigay sa kanya ng puto

- Nagulat ang tindera nang abutan siya ng malaking pera ng nagpanggap na pulubi kaya halos hindi niya ito tanggapin'

- Matapos pakyawin ang paninda ng tindera, ipinamahagi ng vlogger ang mga pagkain smga dumaraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang hinangaan ang vlogger na si Sam Ousta o mas kilala bilang si Foreigngerms matapos na mamakyaw muli ng paninda ng isang tindera na nagbigay sa kanya ng almusal.

Nalaman ng KAMI na nagpapanggap si Sam na isang pulubi. Target niya ang mga nagtitinda ng pagkain at susubukin niya ang kabutihan ng mga ito.

Isa na rito ang tindera ng almusal na sinubukan niyang hingan ng puto. Pumayag naman ito at libre na binigay ang pagkain.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Vlogger na nagpanggap na pulubi, pinakyaw at ipinamigay ang paninda ng tinderang tumulong sa kanya
Photo credit: Foreigngerms YouTube channel
Source: UGC

Matapos nito, panay pa ang tanong ni Sam sa tindera tungkol sa ibang paninda ngunit maayos pa rin siya nitong sinasagot.

Hanggang sa tanungin na ni Sam kung magkano lahat ng panindang almusal ng tindera.

Nang magbigay ng PHP2,000 si Sam, todo tanggi ang tindera at sinabing masyado itong malaki.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, mas lalong humanga sa kanya si Sam at patuloy na dinagdagan ang halaga.

"Bilhin ko na, ako na magbebenta, dahil mabait kayo... kasi pinakain niyo ako," ang nasabi ni Sam sa tindera na halos hindi makapaniwala sa nangyayari.

Matapos pakyawin, ipinamigay ni Sam ang mga almusal sa mga dumaraan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Si Sam Ousta ay mula sa Syria ngunit nananatili na sa Pilipinas sa loob ng 15 taon. Isa siya sa mga content creator sa bansa na pawang pagtulong sa mga kababayan nating Pilipino ang kanyang ginagawa. Mas kilala bilang si "Foreigngerms" sa kanyang YouTube channel at mayroon na siyang 219,000 subscribers.

Tulad ni Sam, isa rin sa mga kilalang vlogger sa bansa ay si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer."

Isa sa mga natulungan kamakailan ni Basel ay ang nag-viral na rider na nagbisikleta mula Binondo hanggang Cavite para lamang makapag-deliver ng produkto. Kinuha na niya ito bilang kanyang empleyado sa Korean store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica