Foreigner na nagpanggap na pulubi, humanga sa kabutihan ng 1 buko vendor

Foreigner na nagpanggap na pulubi, humanga sa kabutihan ng 1 buko vendor

- Sa isang social experiment na ginawa ng isang dayuhan, isang buko vendor ang hinangaan nito

- Nagpanggap na pulubi ang foreigner mula Syria, na si Sam Ousta at humingi ng tulong dito

- Walang alinlangan naman itong binigyan ng vendor na si Brother Bebot

- Bukod sa buko, binigyan din ni Brother bebot ng face mask si Sam upang makaiwas sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napabilib ng husto ang isang dayuhan mula sa Syria, na si Sam Ousta sa isang buko vendor na kanyang nakilala nang magsagawa siya ng isang social experiment.

Sa nasabing social experiment na mapapanood sa YouTube, siguradong maiiyak ka sa ipinakitang kabutihan ng vendor na si Brother Bebot.

Sa video, makikita nang magpanggap na pulubi si Sam at lumapit kay Brother Bebot.

Foreigner na nagpanggap na pulubi, humanga sa kabutihan ng 1 buko vendor
Photo: Screen grab from Foreigngerms
Source: Facebook

Sinubukang humingi ni Sam ng buko rito at sinabing ilang araw na siyang hindi kumakain ngunit wala siyang pambayad dito.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng permanentent trabaho ang nag-viral na rider

Walang pag-aalinlangan naman itong binigyan ni Brother Bebot ng isang buong buko na binalatan pa nga nito.

Pero bukod sa libreng buko, binigyan din ni Brother Bebot ng face mask si Sam upang makaiwas sa COVID-19.

"His kindness is overwhelming. He's been working for that job for 18 years. To give me food, hindi ko na-expect," ani Sam.

Ang hindi naman daw makalimutan ni Sam na ginawa ni Brother Bebot ay nang hawakan siya nito sa noo na tila ba bini-bless siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"I remember a gesture he did. He touched me on the forehead. It was like he was belssing me. I was like, 'Grabe ang bait'", sabi ni Sam.

Nang lumipat na ng pwesto si Brother Bebot para magtinda ay sinundan ito ni Sam at dito na ibinunyag ang kanyang pakay.

Read also

BTS sa shooting ng "Paubaya" music video, ibinahagi ni Moira Dela Torre

Nagpasalamat si Sam sa kabutihan ng vendor at inabutan ng tulong si Brother Bebot na ayaw pa nga nitong tanggapin noong una.

Ngunit sa pamimilit ni Sam ay tinanggap na rin ni Brother Bebot ang tulong nito.

"It really showed that he was willing to give without getting anything in return," ayon kay Sam.

Para kay Sam, napatunayan lamang niya na handang tumulong ang mga Pinoy kahit na sa ibang lahi at kahit pa nga walang kapalit.

"Filipinos are kind without limits. They're courteous, they give kahit sila wala. They care for their kapwa Filipino, and now they even have proven, they care for a foreigner," dagdag pa ni Sam.

Narito ang kabuuang ulat mula sa GMA Public Affairs:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Kitkat Favia, bumwelta kay Janno Gibbs kaugnay sa statement nito

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isa namang buko vendor ang hinangaan ng madla nang ibuhos nito ang panindang buko juice sa isang nagliliyab na tricycle.

Isa namang ice cream vendor ang nabiyayaan dahil sa kanyang ipinakitang kabutihan sa isa ring social expoeriment.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone