Mabait na ice cream vendor, hindi nagdamot sa "pagod" na rider

Mabait na ice cream vendor, hindi nagdamot sa "pagod" na rider

- Isang viral video ang umantig sa puso ng maraming netizens tungkol sa isang mabait na ice cream vendor sa Lubao, Pampanga

- Sa kabila kasi ng kahirapang nararanasan nito ay hindi ito nagdamot sa isang nagkunwaring rider

- Dahil dito ay dinagsa ng tulong ang ice cream vendor na nakilalang si Mang Amado Santos, 67-anyos

- Labis-labis naman ang pasasalamat nito sa mga biyayang dumating sa kanya matapos mag-viral ang kanyang kabutihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaiyak ang mga ganap sa isang viral video tungkol sa isang mabait na ice cream vendor mula sa Lubao, Pampanga.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na Team Kasaludo, nakilala ang pagiging matulungin ng vendor na si Mang Amado Santos, 67-anyos.

Mabait na ice cream vendor, hindi nagdamot sa "pagod" na rider

Screen grab from Team Kasaludo Facebook page
Source: Facebook

Sa naturang video, nagkunwari ang isang rider na miyembro ng Team Kasaludo na kulang ang kanyang pera pambayad sa ice cream na itinitinda ni Mang Amado.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Ngunit hindi kinakitaan ng anumang inis o galit ang matandang vendor at sa halip ay tinaggap lang nito ang P3 na kayang ibayad ng rider.

Tila naman hindi makapaniwala ang rider sa kabutihan ng matanda lalo pa at kita ang hirap nito sa pagbuhat at pagtulak sa kanyang ice cream cart.

Ayon kay Mang Amado, sa kabila ng hirap na kanyang nararanasan ay tiwala pa rin siya sa mga tao kaya hindi siya nagdadamot.

Ito ay sa kabila ng dobleng hirap na nararanasan ng kanyang pamilya dulot na rin ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mangiyak-ngiyak naman ito nang sabihin dito ng rider na siya ay sinubukan lamang nito at humanga sa kanyang kabutihan.

Labis-labis din ang pasasalamat nito nang iabot sa kanyan ng nagkunwaring rider ang sorpresa nitong grocery items at isang sakong bigas.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Ngunit hindi pa roon natapos ang biyayang natanggap ng mabait na vendor dahil nasundan pa ito matapos mag-viral ang kanyang video.

Isang grupo pa ang nag-abot sa kanya na malaking tulong. Sa YouTube channel ng netizen na si Piel Yvaine, ibinahagi nila ang saya nang iabot nila ang tulong para kay Mang Amado.

Maging si Mayor Esmie Pineda ay nagpaabot din ng tulong para rito. Nabigyan ng tulong pinansyal, bigas, kasangkapan, face masks at faceshield si Mang Amado.

Binigyan din ng alkalde ng bisikleta si Mang Amado upang hindi na ito nagtutulak ng mabigat nitong karetela.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patunay lamang ito na ang kabutihan na mula sa puso ay hindi matatawaran at paniguradong may kapalit na magandang biyaya.

Tulad na lamang ng nurse na nag-viral kamakailan matapos walang pag-aalinlangang tumulong sa isang nanganak na palaboy sa kalsada.

Propesor, nahabag sa mga online students na namumundok pa para sa signal

Dahil dito ay dinagsa rin ng tulong ang nurse at kinilala rin ang kabutihan. Maging si Raffy Tulfo ay hindi nagdalawang-isip na tulungan ang mabait na nurse.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel