BTS sa shooting ng "Paubaya" music video, ibinahagi ni Moira Dela Torre

BTS sa shooting ng "Paubaya" music video, ibinahagi ni Moira Dela Torre

- Matapos ang tagumpay ng inilabas na music video ng awiting "Paubaya" ay ibinahagi ni Moira Dela Torre ang ilang behind-the-scenes nito

- Ikinuwento niya rin kung paano nabuo o nagsimula ang pagkakalikha ng awiting 'Paubaya'

- Kabilang din sa kanyang ibinahagi ay ang ilang mga payo tungkol sa usaping pag-ibig

- Ayon pa kay Moira, masayang-masaya siya sa kinalabasan ng kanilang pinaghirapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit 21 milyon ang views ng music video ng Paubaya na talaga namang nag-viral nitong mga nakaraang araw.

Usap-usapan ang mga binitawang mga salita ng dating magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

BTS sa shooting ng Paubaya music video, ibinahagi ni Moira Dela Torre
Photo from Moira Dela Torre (@moirarachelle)
Source: Instagram

Kwento ni Moira, nabuo ang kantang Paubaya habang nasa US silang mag-asawa matapos abutan ng lockdown doon.

Nang mabuo nila ang himig at mga salita sa kanta, wala pa umano silang maisip na pamagat kaya sa tulong ng ilang mga tagahanga nila, napili nila ang Paubaya na isa sa mga naging suggestion ng kanilang fan.

Read also

Alex Gonzaga, namudmod ng pera matapos umabot sa 10 million ang subscribers

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag pa ni Moira, masayang-masaya siya na sina Joshua at Julia ang gumanap sa music video ng viral na awitin. Inamin niya ring parehas sila ng kanyang asawa ng fan na fan ng tambalang Joshlia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kagaya ng naunang lumabas na haka-haka, kinumpirma ni Moira na kasama sina Joshua at Julia sa pagbuo ng kanilang script.

Abot-abot din ang pasasalamat niya sa mga sumuporta at nanood ng music video na ilang linggo nang nasa trending list sa YouTube.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Moira dela Torre ay isang kilalang singer-songwriter sa bansa na nagpasikat ng mga awiting "Malaya", "Tagpuan", at "Ikaw at Ako." Ang awiting Titibo-tibo ay unang nagpasikat sa kanya matapos itong manalo sa Himig Handog 2017.

Read also

Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga

Kamakailan ay lumikha din ng ingay ang kanyang awiting Paubaya matapos itong umani ng samu't-saring reaksiyon.

Kinanta niya rin ang awiting Reflection para sa pelikulang Mulan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel