Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga

Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga

- Kinaaliwan ng mga netizens ang kulitan at kwentuhan ng magkaibigang sina Ian Veneracion at Bea Alonzo

- Ito ay naganap sa dinner date ng dalawa na ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel

- Isa sa naitanong ni Bea sa aktor ay kung may pagsisisi sa kanya dahil maaga siyang nagpakasal

- Ayon kay Ian, maituturing niyang best decision ang kanyang pagpapakasal ng maaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lang dahil sa kanyang gwapong mukha kung kaya marami ang humahanga kay Ian Veneracion. Marami din ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging matapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga
Photo from Ian Veneracion (@ianveneracion1)
Source: Instagram

Muling hinangaan ang aktor sa kanyang naging tugon sa tanong ng kaibigang si Bea Alonzo sa kanilang dinner date. Naitanong sa kanya ni Bea kung nagsisi ba siyang ikinasal siyang maaga.

Read also

Alex Gonzaga, namudmod ng pera matapos umabot sa 10 million ang subscribers

Ayon kay Ian, ang pagpapakasal niyang maaga ay maituturing niyang best decision sa buong buhay niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya at pinakapaborito niya umanong role sa buhay ay ang pagiging ama kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Para naman kay Ian hindi dapat magpakasal si Bea pero dapat ay magkaanak siya. Aniya base ito sa kung paano niya nakikita sa personality ni Bea.

Marami naman ang nag-aabang para sa pangalawang bahagi ng video kung saan sasailalim silang dalawa sa lie detector challenge.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Mon Confiado, kinabiliban sa kanyang dedikasyon bilang isang aktor

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Kamakailan ay nagbigay ng paalala si Ian tungkol sa pagtanggap sa sarili at hindi pagkukumpara sa ibang tao. Naging usap-usapan din ang kanyang ibinahaging video kung saan naubusan ng gasolina ang kanilang sinasakyang parajet habang nasa ere.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel