Ian Veneracion, nagpaalala na hindi dapat ikumpara ang sarili sa iba

Ian Veneracion, nagpaalala na hindi dapat ikumpara ang sarili sa iba

- Ibinahagi ni Ian Veneracion ang kanyang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba ng istorya ng bawat tao

- Ayon sa aktor ay hindi dapat ikumpara ang sarili sa iba dahil sa may kaniya-kaniyang kuwento ang buhay ng bawat tao

- Dapat rin daw ay ang sarili lamang ang gawing ‘reference point’ sa pagna-nais na mapabuti ang sarili

- Ito raw ay ipinapaalala ng aktor sa kanyang mga anak at malalapit na tao sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Ian Veneracion, iba-iba ang istorya ng buhay ng tao kung kaya ay hindi dapat ikumpara ang sarili sa mga narating ng iba.

Ian Veneracion, nagpaalala na hindi dapat ikumpara ang sarili sa iba
Ian Veneracion (Photo credit: @StephenIanVeneracion)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News para sa “B&B: The Story of the Battle of Brody and Brandy” ng WeTV Philippines ay ibinahagi ng beteranong aktor ang kanyang pananaw.

“Iba-ibang istorya tayo. Iba-ibang timelines sa atin, whether in love, in career, in certain aspects.

Read also

Xian Lim, sinorpresa ang tatlong mahahalagang babae sa buhay niya

“Wala namang generic timeline for all things — na dapat at this age, may ganito na ako, may ganiyan na ako. No. May kaniya-kaniya tayong istorya,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon rin sa aktor ay palagi niyang pinapa-alalahanan ang kanyang mga anak, pati na rin ang malalapit na mga tao sa kanya, na ang sarili lang dapat ang gawing ‘reference point’ sa pag-evaluate ng narating ng isang tao at kung may nais pa itong marating.

“I always tell even my kids and people I know: you’re a complete person already. You don’t need anyone to complete you.
“Your reference point should not be external — not your friends, not the people you see online, not anyone. Your reference point should be always yourself," saad ng aktor.
"If you can be a better person than you were yesterday, that should be your reference point.” dagdag niya.

Read also

Heart Evangelista, may late birthday celebration sa bahay ampunan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Base sa kanyang mga pinagdaanan, ibinahagi rin ni Ian na palagi niyang pinipiling gawin ang mga bagay na makabuluhan para sa kanya.

“From child star, teenybopper movies, to action, teleserye… Hindi ako ‘yung tipong, ‘I have to plan my career.’ Walang ganiyan! What’s meaningful to me now, I’ll do it!” ayon sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ian Veneracion ay isa sa mga kinaka-kiligang beteranong aktor mula noon hanggang ngayon. Ilan sa mga sikat na TV series na naging bahagi siya ay ang “Pangako Sa’yo”, “A Love to Last”, at “Make It with You”.

Sa naunang ulat ng KAMI ay ginimbal ni Ian ang mga netizens ng mag-post ito ng isang video kung saan ay nasaksihan kung papaanong napalapag ng maayos ng aktor ang parajet na sinasakyan nila ng kanyang kasama, sa kabila ng pagkaubos ng fuel nito.

Read also

JaMill, proud na ibinahagi ang kanilang bagong business

Minsan na ring nag-viral si Ian noong ibinahagi ng aktor kung papaano niya tinanggap ng buong-buo ang pagkatao ng kanyang anak na umamin sa kanyang tunay na kasarian.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel