Heart Evangelista, may late birthday celebration sa bahay ampunan

Heart Evangelista, may late birthday celebration sa bahay ampunan

- Pinili ni Heart Evangelista na magdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga kabataan sa isang ampunan sa Sorsogon

- Ipinost ng fashion icon sa kanyang Instagram ang mga larawan niya kasama ang mga madre at kabataan

- Ika-36 na kaarawan ng Kapuso actress, at ayon sa kanya ay naging makabuluhan ito

- Matatandaang kilala ang fashionistang aktres dahil sa kanyang mga charity works rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkaroon si Heart Evangelista ng post-birthday celebration sa isang bahay ampunan sa Sorsogon.

Heart Evangelista, may late birthday celebration sa bahay ampunan
Heart Evangelista (Photo credit: @iamhearte)
Source: Instagram

Kamakailan lang ay nagdiwang ang Kapuso actress ng kanyang ika-36 na kaarawan. At upang makumpleto ang kanyang selebrayon ay binisita niya ang isang bahay ampunan sa Sorsogon, at doon ay naghatid siya ng saya.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Heart ang ilang larawan kung saan ay kasama niya ang mga madre at kabataan sa Jardin de Maria Orphanage.

Read also

Janno Gibbs, hangad na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Kitkat Favia

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa caption niya ay naging ‘meaningful’ ang bawat sandali na inilagi niya sa ampunan.

"Meaningful moments that matter the most. Spent a day with the lovely kids and sisters of the Jardin de Maria Orphanage here in Sorsogon for a late birthday celebration," sabi ng aktres.

Si Heart ay hindi lang sikat bilang magaling na aktres at fashion icon. Kilala din siya dahil sa kanyang charity works.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay ibinenta ni Heart ang kanyang designer items para makalikom ng pera para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses na nanalasa sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Matatandaan ring namigay ay “My Korean Jagiya” star ng 550 tablets sa mga mahihirap na estudyante upang matulungan silang makapag-aral ngayong may pandemic.

Read also

Rica Peralejo, aminadong pinagsisihan ang pagpapaseksi sa pelikula noon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heart Evangelista ay isang Filipina actress, model, singer, vlogger, at social media influencer. Siya ay asawa ni dating senador Chiz Escudero na ngayon ay naninilbihan bilang gobernador ng Sorsogon. Dati siyang nagsilbi sa Senado mula 2007 hanggang 2019.

Sa isang naunang report ng KAMI ay ibinahagi ni Heart na hindi siya nagbibihis sa harap ng asawa na si Chiz. Ibinunyag rin ng aktres na tinutulugan niya ang asawa kapag nag-aaway sila. Inamin niya na mas kadalasang nananalo ang gobernador sa kanilang mga pagtatalo dahil magaling ito sa debate.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel