Janno Gibbs, hangad na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Kitkat Favia
- Naglabas ng official statement si Janno Gibbs kaugnay sa sigalot sa pagitan nila ni Kitkat Favia
- Sa kanyang inilabas na statement, umaasa siyang matutuldukan na ang isyu na patuloy paring pinag-uusapan
- Ibinahagi niyang minabuti ng pamunuan ng na paalisin na lamang silang pareho sa nasabing noontime show
- Matatandaang naging kontrobersiyal ang dalawa matapos pumutok ang balitang minura at dinuro ni Janno si Kitkat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ang kanilang paglabas ng saloobin sa social media nitong nakaraang araw, minabuti ni Janno Gibbs na maglabas ng kanyang statement at umaasa siyang matutuldukan na ang isyu sa pagitan nila ni Kitkat Favia.
Sa isang artikulo na inilabas ng Pika-pika.ph, isang official statement ang inilabas ni Janno.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Pagbabahagi niya, natural lamang ang biruan sa game portion ng kanilang show.
Hindi niya umano inasahang napikon si Kitkat at naapektuhan na rin siya matapos ang ilang beses na banat sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ipinunto din niya ang mga online posts na tila umano pagbabanta sa kanyang pamilya.
“A series of online posts were made that threatened me and my family. It really hurt me that even my family was dragged into this. In spite of this, I kept quiet and only replied once hoping the issue would die down.
Humingi na umano siya ng dispensa kay Kitkat nang pag-ayusin sila at nag-sorry din siya sa pamamagitan ng social media.
Ibinahagi niya ring minabuti ng pamunuan na paalisin na lamang sila sa nasabing nootime show
We have both been asked to leave the show. My personal learning is to not react so publicly in situations like this whether on air or online. I have also learned to treat my co-workers with even more sensitivity.
Sa kabila ng lahat ng nagganap ay nanatili siyang nagpapasalamat sa Net 25 dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya.
“I remain grateful to Net 25 for the opportunity to work for them. They have treated me well. And I will miss working with my brother, Anjo.”
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter
Si Janno Gibbs ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong taong 1986 bilang bahagi ng teen variety show na That's Entertainment sa GMA Network. Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa Viva Films at naging host ng TV show na "Small Brothers" noong 1990. Nakilala siya sa mga bansag na "Late", "Mokong" at "Philippine's King of Soul".
Matatandaang naging usap-usapan din ang naging pahayag niya kaugnay sa mga netizens na nagtatanong sa kanyang show.
Hindi niya rin pinalampas ang isang netizen na nagkomento sa kanyang pagho-host.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh