Dimples Romana, ipinasilip ang loob ng kanyang bagong condo

Dimples Romana, ipinasilip ang loob ng kanyang bagong condo

- Ibinahagi ni Dimples Romana ang isang condo tour para maipakita niya sa kanyang mga subscribers ang kanyang bagong condo

- Kakatapos lang ng renovation ng nasabing condo na nauna na niyang pinasilip noong Setyembre

- Kompleto na sa kagamitan ang kanilang condo at ibinahgi ni Dimples ang ilang detalye ng interiors ng condo

- Pinakapaborito niya umanong bahagi ng unit ay ang overlooking view ng Makati skyline sa kanilang sala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos unang ipakita noong Setyembre, muling ibinahagi ni Dimples Romana ang isang condo tour para maipakita sa kanyang mga subscribers ang kakatapos lang ma-renovate na condo unit nila.

Naibahagi niyang muted colors ang napiling tema nilang mag-asawa para sa kanilang condo.

Naipakita niya rin ang ilang mga art piece na kanilang nabili para sa bagong tahanan.

Dimples Romana, ipinasilip ang loob ng kanyang bagong condo
Photo: Dimples Romana (@dimplesromana)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janno Gibbs, hangad na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Kitkat Favia

Kwento pa ng aktres, ilang buwan niyang inantay ang ilang gamit niya sa kusina kagaya na lamang ng kanyang lutuan.

Maituturing niya ang overlooking view ng Makati skyline sa kanilang sala bilang pinakapaborito niyang bahagi ng unit.

“Pinakapaborito ko yung patulog na yung mga bata; and Boyet and I would just be on the couch and drink our tea or coffee. And we just watch the lights of the buildings, the skyline. Nakakatanggal ng mga pag-aalinlangan at pag-aalala sa buhay,” pagbabahagi niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi naman muna niya ipinakita ang kanilang kwarto dahil gagawa umano siya ng bukod na vlog para doon.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Dimples Romana ay isang Pinay na aktres at isang commercial model. Nagsimula ang kanyang showbiz career nang mapabilang siya sa comedy sitcom na "Ang TV". Nakilala siya sa mahusay na pagganap niya sa ilang teleserye kagaya ng "Bagani" at "Kadenang Ginto".

Read also

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

Marami ang humanga sa aktres nang bigyan nito ng bagong bahay ang kanyang kasambahay. Ibinahagi niya rin kamakailan ang kanyang bagong investment.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel