Alex Gonzaga, namudmod ng pera matapos umabot sa 10 million ang subscribers

Alex Gonzaga, namudmod ng pera matapos umabot sa 10 million ang subscribers

- Para sa pagdiriwang niya ng kanyang 10 milyong subscribers sa YouTube, namudmod ng biyaya si Alex Gonzaga

- Mula sa mga taong kaniyang nadaanan, nagtanong siya ng ilang bagay tungkol sa kanya at tungkol sa kanyang mga vlog

- Ang sinumang makakasagot at mapapatunayang subscriber niya ay binigyan niya ng pera

- Maging sa mga netizens ay nagbigay din siya ng pagkakataon na mabigyan ng isang libong piso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 10 milyon ang subscribers ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel. Para ipagdiwang ito ay namahagi si Alex ng tig-iisang libong piso sa mga taong kanyang nadaaanan at napatunayang nanood sa kanyang YouTube channel.

Kasama ang kanilang kasambahay at ang kanyang Uncle Jojo, naglibot sila Alex sa ilang lugar.

Alex Gonzaga, namudmod ng pera matapos umabot sa 10 million ang subscribers
Photo from Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga

Para malaman kung sino ang talagang nanood sa kanya, tinatanong niya ang mga ito ng ilang personal na bagay tungkol sa kanya kagaya na lamang ng tungkol sa kanyang pamilya at asawa.

Mayroon ding nagpakita pa ng patunay na naka-subscribe sila sa YouTube channel ni Alex sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanilang mga cellphone.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ang ikatlong taon ng aktres simula nang mapagpasyahan niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Maging ang kapatid niyang si Toni Gonzaga ay mayroon na ring sarili niyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host na si Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang napangasawa ni Alex. Ikinasal sila noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Mon Confiado, kinabiliban sa kanyang dedikasyon bilang isang aktor

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel