Bagong awitin ni Moira Dela Torre, agad nag-viral dahil sa mga 'broken hearted' na netizens

Bagong awitin ni Moira Dela Torre, agad nag-viral dahil sa mga 'broken hearted' na netizens

- Mabilis na nag-viral ang bagong awitin ni Moira Dela Torre na "Paubaya" dahil sa mga komento ng netizens

- Tila marami ang mga naka-relate sa nais na ipahiwatig ng kanta at ibinahagi nila ito sa comment section ng mismong video

- Sa pinakabagong post ni Moira, sinabi niyang binabasa nila ang bawat komento ng mga nakapanood at nakapakinig na ng kanyang bagong awitin

- Sa loob lamang ng wala pang 24 oras mula nang ito ay mailabas, umabot na sa mahigit 1.3 million ang views ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagong awitin ni Moira Dela Torre, agad nag-viral dahil sa mga 'broken hearted' na netizens

Photo: Moira Dela Torre Facebook
Source: Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong awitin ni Moira Dela Torre na "Paubaya."

Nalaman ng KAMI na kalalabas lamang umano ng music video ng naturang awitin, wala pang isang oras bago ito maipalabas.

Subalit umabot na sa mahigit na 1.3 million ang views nito at maging ang comment section ng mismong video ay umaapaw sa mga komento ng mga 'broken hearted'

TikTok video ng original members ng Viva Hot Babes, nagpa-indak sa netizens

Dahil dito, isang netizen ang nagawang ibahagi ang ilan sa mga nakakadurog ng pusong komento mula sa video.

Sa post ni Ynzy Ford, makikita kung gaano karaming mga Pinoy ang tila naka-relate sa nais ipahiwatig ng awiting "Paubaya"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gayundin ang netizen na si Hazmine Joie Coronel na nakabasa raw ng pinakamasakit na kwento sa comment section parin ng kantang "Paubaya"

Sa loob lamang ng ilang oras, umabot na sa 100,000 ang reaksyon ng naturang post na karamihan ay puro "sad emoji."

Samantala, sa pinakahuling post ni Moira sa kanyang Facebook, nabanggit niyang binabasa nila ang bawat komento ng mga netizen na 'tinamaan' ng kanyang nakakatunaw ng pusong awitin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Si Moira dela Torre ay isang kilalang singer songwriter sa bansa na nagpasikat ng mga awiting "Malaya", "Tagpuan", at "Ikaw at Ako."

Isa sa mga naging proyekto niya ngayong taon sa Disney Philippines ang pagkanta ng theme song pelikulang "Mulan" na 'Reflection'.

Happily married na siya kay Jason Hernandez mula pa noong Enero 14 ng nakaraang taon at ilang buwan lamang ang nakararaan nang pakiligin nila ang fans dahil sa 'quarantine date' nilang dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel