Kaso laban sa viral na lady Grab driver, ibinasura ng korte

Kaso laban sa viral na lady Grab driver, ibinasura ng korte

- Tuluyan nang ibinasura ng piskalya ang kasong isinampa laban sa viral lady driver na nakaalitan umano ng isang pulis sa Taguig

- Matatandaang nakulong ang lady driver ng nasa anim na araw dahil nakalaya nang matulungan ni Raffy Tulfo

- Nang makalabas sa kulungan, mas lalong naging klaro ang lahat nang siya mismo ang nagsalaysay ng pangyayari na tumutugma sa CCTV footage na nakuha sa insidente

- Dahil dito tuloy na tuloy na raw ang pagsasampa niya ng kaso laban sa pulis at magsilbing aral umano ito sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaso laban sa viral na lady Grab driver, ibinasura ng piskalya
Mary Florence Norial (Photo from Floreanne Rivera)
Source: UGC

Nakakangiti na si Mary Florence Norial, ang lady Grab driver na nag-viral kamakailan matapos na makaalitan si Police Captain Ronald Saquilayan dahil sa tuluyan nang ibinasura ng piskalya ang kasong isinampa laban sa kanya.

Nalaman ng KAMI na ngayong Oktubre 16, bumungad ang magandang balita kay Norial sa pamamagitan na rin ng programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo.

Read also

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Ayon kay Atty. Ben Beley, mismong ang korte ang nagsabi na wala silang "probable cause" para ituloy pa ang kaso laban sa Grab driver.

Ito ay matapos na busisiin ang sinasabing mga ebidensya laban kay Norial kaya naman tuluyan nang ibinasura ang kaso na isinampa ng pulis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, walang pagsidlan ng kaligayan si Norial na labis na nagpapasalamat kay Raffy Tulfo na siyang nagpursige upang makalaya at makapagpiyansa siya.

Sa panayam ni Tulfo kay Norial, naikwento nitong labis na natutuwa ang kanyang ina at mga kaanak nang malaman ang kinahinatnan ng kaso laban sa kanya.

Ipinaalala rin ni Tulfo na hindi pa rito nagtatapos ang lahat lalo na at sila naman naman ang magsasampa ng kaso laban kay P/Capt. Saquilayan.

"Wala pong atrasan ito, lalaban ako!" ang masigla at matapang na pahayag ni Norial.

Read also

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa unang pagkakataong makapanayam ni Tulfo si Norial nang makalabas ito ng kulungan, bakas pa rin ang takot sa Grab driver sa nangyari nang gabing nakaalitan si Saquilayan.

Dahil dito, nagbagsak ng isang milyong piso si Tulfo bilang legal assistance fund kay Norial habang umaandar ang kasong isasampa nito sa pulis.

Patunay lamang ito na ng agarang pag-aksyon ni Tulfo sa sumbong ng mga naaaping kababayan kahit pa may katungkulan ang kanilang makakabangga.

Bukod sa pagiging isang dedikadong public servant, isa sa maituturing na batikang news anchor si Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica