Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

- Hindi nasikmura ng isang babae ang di umano'y pang-aabuso sa kanya ng dating nobyo

- Nagpakilala umano itong pamangkin ng producer na si Vic Del Rosario at ipinagmamalaki nito ang kanilang apelyido

- Bukod sa verbal abuse na tinatamo ng naging nobya, nagawa narin siyang saktan ng lalaki na siyang naging dahilan para siya ay tuluyan nang kumalas sa kanilang relasyon

- Desidido na ang babaeng kasuhan ang dating kasintahan upang hindi na maulit pa ang pananakit at panlolokong nagagawa nito sa mga babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pamangkin ng kilalang producer, ipina-Tulfo ng ex-GF na nagawa niyang saktan

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Humingi na ng saklolo ang call center employee na si Maria Angelina Gorospe sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa iba't ibang klase ng pang-aabuso na kanyang natamo sa dating nakarelasyon.

Nalaman ng KAMI na ipinagmamalaki raw ng dating kasintahan ni Gorospe na si Jason Del Rosario ang kanyang apelyido kaya naman walang sinuman daw ang makakagalaw sa kanya.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Nilinaw ito ni Tulfo at doon nasabi ni Gorospe na pamangkin pala si Jason ng kilalang producer ng bansa na si Vic Del Rosario ng VIVA Entertainment.

Subalit, ipinaalala ni Tulfo na labas naman ang nasabing producer sa alitan ng magkasintahan.

Inilarawan ng babae ang dating kasintahan na 'manipulative' at 'controlling' at lagi rin daw siya nitong minumura.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap, siya rin lagi ang gumagastos sa kanilang relasyon na kung susumahin ang mga nagastos ng lalaki sa loob ng anim na buwan nilang pagsasama, nasa P600 lamang ang nailabas ng nito sa kanilang "ihaw-ihaw" na pang-merienda lamang.

Subalit ang talagang hindi kinaya ng babae ay ang pamamalo na umano ng dating kasintahan ng baseball bat sa kanya dahilan para siya ay magkaroon ng malaking pasa sa may balikat.

Sa dami ng hindi magagandang nangyari sa kanilang relasyon, nagdesisyon na si Angelina na kasuhan ang dating nobyo. Physical abuse, psychological, verbal abuse, at economic abuse ang mga kasong maari raw isampa laban kay Jason.

Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

Hindi rin daw mababago pa ang isip niya dahil gusto raw niya itong bigyan ng leksyon at hindi na muling makapangbiktima pa ng ibang kababaihan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor at broadcast journalist sa bansa. Bukod dito, mas lalo siyang nakilala sa kanyang serbisyo publiko at agarang pag-aksyon sa mga sumbong ng kababayan nating naapi.

Mapa-ordinaryong tao kasi o kilalang personalidad ay nagagawa niyang tulungan sa abot ng kanyang makakaya.

Kaya naman kamakailan, nabigyang puri siya ng sikat na kolumnistang si Lolit Solis dahil umano sa pagbibigay niya ng malaking halaga sa komedyanteng si Donita Nose nang magkaroon siya ng COVID-19. Ayon kay Lolit, sadyang napakabuting tao ni Tulfo dahil hindi man nito personal na kilala ang komedyante ay nabigyan niya ng malaking halaga ng pera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel