Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid
- Natulungan muli ng kilalang vlogger na si "The Hungry Syrian Wanderer" ang kanyang empleyado na si Mike
- Gaya ng kanyang nai-pangako, bukod sa permanente na raw ito sa trabaho, hinanapan na rin niya ito ng maayos na tirahan
- Nalaman kasi ng vlogger na malayo ang tirahan nito na nasa kabukiran pa kaya naman pumapasok itong putikan ang suot na sapatos
- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang empleyado na labis na nagpasalamat sa kanyang napakabait na amo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tinupad ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala sa YouTube bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" ang ipinangako niya sa kanyang empleyadong si Mike.
Matatandaan na si Mike ang dating trainee sa kayang Resto-bar na YOLO na nakatira malapit sa isang bukid sa Imus, Cavite.
Nalaman ng KAMI na hindi raw makapaniwala noon si Basel na sa bukid nakatira ang trainee kaya sinadya niya ito at nagulat sa kalagayan ng empleyado.
Bagaman at kasama naman nito ang kanyang pamilya, mahirap ang kalagayan niya na pumapasok pa sa Las Piñas at dadaan sa putikang kalsada mula sa kanilang tahanan.
Kaya naman, bilang paunang tulong, ginawa na ni Basel na permanenteng empleyado si Mike.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Doon pa lang, sobrang saya na nito gayundin ang kanyang pamilya.
At dahil naipangako rin ni Basel na hahanapan niya ito ng tirahan para hindi na mahirapan sa pagbibiyahe araw-araw, sinurpresa niya ito sa bago nitong tahanan.
Doon makakasama ni Mike ang isa pang empleyado ng Yolo na si Joe.
Bukod sa tirahan na di na nila kailangan pang bayaran ang renta, binigyan pa ni Basel ng mapapagkalibangan sina Mike at Joe na PS3.
Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ni Mike sa napakabait niyang employer na marami-rami na ring natulungang mga Pilipino.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay sikat na vlogger sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.
Katunayan, marunong na siyang mag-tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Kamakailan ay natulungan niya ang ice cream vendor na kahit putol ang isang binti ay patuloy pa rin sa paglalako.
Imbis na ipambili na niya ng kagamitan sa kanyang ipinagagawang bahay, mas pinili pa rin niyang ibigay ito bilang tulong sa masipag na ice cream vendor.
Patunay lamang ito ng pagiging mapagmalasakit ni Basel sa mga Pilipino kahit pa iba ang kanyang nasyunalidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh