Kitkat Favia, bumwelta kay Janno Gibbs kaugnay sa statement nito

Kitkat Favia, bumwelta kay Janno Gibbs kaugnay sa statement nito

- Naglabas din ng kanyang pahayag si Kitkat Favia kasunod ng ibinahaging statement si Janno Gibbs

- Ito ay kaugnay sa kontrobersiyal na sigalot na namagitan sa kanila habang nasa taping ng kanilang noontime show na "Happy Time"

- Matapos sabihin ni Janno na na-provoke lamang siya matapos siyang ipahiya ni Kitkat sa harap ng mga tao sa studio, sinagot ito ni Kitkat

- Aniya, hindi sapat na dahilan iyon para murahin siya ni Janno na para umanong sinira nito ang buhay ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos tuluyang maalis sa noontime show na "Happy Time" at kasunod ng inilabas na statement ni Janno Gibbs, ipinagtanggol ni Kitkat Favia ang kanyang sarili.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi niya ang kanyang panig hinggil sa lumalim na sigalot na namagitan sa kanila ng kanyang dating co-host na si Janno Gibbs.

Read also

Janno Gibbs, hangad na matuldukan na ang isyu sa kanila ni Kitkat Favia

Kitkat Favia, bumwelta kay Janno Gibbs kaugnay sa statement nito
Kitkat Favia (@favkitkat)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani Kitkat, inaamin niyang naglabas siya ng sama ng loob sa social media dahil sa bugso ng damdamin at kahihiyang inabot niya. Giniit niya ring wala siyang sinabing hindi totoo.

Naintindihan niya umano kung bakit sila tinanggal sa show. Sinagot din nito ang sinabi ni Janno na na-provoke umano siya.

Provoked? We were playing games, of course, "asaran" is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawalaka were not part of the game ...

Nilinaw din ni Kitkat na pinapatawad niya na si Janno at humingi ito ng dispensa kaugnay sa nasabi niya.

Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong Napatawad na rin kita.

Read also

Janno Gibbs, sinabing pinahiya siya ni Kitkat Favia sa harap ng maraming tao

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa kabila ng nangyari ay nagpasalamat si Kitkat sa Net 25 dahil sa nabigay sa kanyang oportunidad.

Si Kitkat Favia o Soraya Ray L. Bañas sa totoong buhay ay isang mang-aawit, comedian at aktres. Naging stand-up singer/comedian din siya sa Punchline, Laffline, at Metro Comedy Bar.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa umano'y paninigaw at pagmumura ng kanyang co-host na si Janno Gibbs sa kanya. Lumala ang kanilang sigalot matapos ang kanilang mga post sa social media.

Kamakailan lang ay naglabas ng kanyang official statement si Janno Gibbs hinggil sa isyu. Dito niya sinabi na natanggal na silang dalawa sa noontime show na "Happy Time."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel