Janno Gibbs, sinabing pinahiya siya ni Kitkat Favia sa harap ng maraming tao

Janno Gibbs, sinabing pinahiya siya ni Kitkat Favia sa harap ng maraming tao

- Matapos ang pananahimik hinggil sa napapabalitang isyu nila ni Kitkat Favia, binasag ni Janno Gibbs ang kanyang katahimikan

- Ibinahagi niyang pinag-ayos na sila ni Kitkat at inakala niyang ayos na nga ang gulo sa pagitan nila

- Gayunpaman, dahil sa mga panibagong mga post umano ni Kitkat ay kailangan niya nang magsalita para ipagtanggol ang sarili at pamilya niya

- Ayon pa kay Janno, si Kitkat ang nagsimula ng gulo dahil pinahiya umano siya nito sa harap ng maraming tao sa studio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Janno Gibbs hinggil sa napapabalitang sigalot sa pagitan nila ng kanyang co-host na si Kitkat Favia.

Matatandaang lumabas ang mga balitang pinagmumura at pinagsisigawan umano ni Janno si Kitkat sa show nilang Happy Time sa Net 25.

Janno Gibbs, ibinunyag na si Kitkat umano ang nag-umpisa ng gulo

Photo from Janno Gibbs (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Ayon kay Janno, humingi siya ng tawad kahit umano alam niyang hindi siya ang tunay na nag-umpisa. Pinahiya umano siya ni Kitkat sa mga tao sa studio.

TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na umano kayang palampasin ni Janno ang ginagawa ni Kitkat na pinapalabas umano nitong wala siyang kasalanan kahit pa pinag-ayos na silang dalawa at humingi na siya ng dispensa.

Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dagdag pa ng mang-aawit, kailangan niyang ipagtanggol ang sarili niya pati ang mga anak niya na nadadamay na rin sa pambabatikos ng mga tao.

Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.
Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Janno Gibbs ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong taong 1986 bilang bahagi ng teen variety show na That's Entertainment sa GMA Network. Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa Viva Films at naging host ng TV show na "Small Brothers" noong 1990. Nakilala siya sa mga bansag na "Late", "Mokong" at "Philippine's King of Soul".

Matatandaang naging usap-usapan din ang naging pahayag niya kaugnay sa mga netizens na nagtatanong sa kanyang show.

Hindi niya rin pinalampas ang isang netizen na nagkomento sa kanyang pagho-host.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel