Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 sa mga nadaanang jeepney drivers

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 sa mga nadaanang jeepney drivers

- Namahagi ng "ayuda" ang vlogger na si Basel Manadil sa mga nadaanang jeepney drivers

- Ang ilan ay nakausap niya habang nasa biyahe bago niya maibigay ang surpresa

- Halos lahat ng drivers ay nagugulat sa handog ni Basel para sa kanila at isa pa nga rito ay naluha at malaking tulong ito para sa kanilang pamilya

- Maging ang ilang bus drivers ay naabutan din ng tulong ng napakabuting vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglaan ng Php100,000 ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" sa mga nadaanang jeepney drivers.

Nalaman ng KAMI na ilan pa sa mga drivers na ito ay nakakwentuhan pa mismo ni Basel bago habang nasa biyahe.

Nagkunwari siyang pasahero at nang iabot na niya ang bayad sa tsuper, laking gulat talaga ng mga ito sa malaking halagang inaabot sa kanila.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

Basel Manadil, namahagi ng Php100,000 sa mga nadaanang jeepney drivers
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang ilan ay hindi halos matanggap ang perang iniaabot ni Basel sa sobrang hiya, ang iba naman ay hingi makapaniwala na sila ay mabibigyan ng ganoong kalaki na halaga ng pera.

Mayroon pa ngang naluha pa talaga sa sobrang tuwa at labis na naantig ang puso sa pagiging matulungin ni Basel.

Ayon pa sa napakabuting vlogger, sa kabila ng 'di magandang nangyari sa isa sa kanyang restaurant ay naisipan pa rin niyang tumulong sa mga kababayan nating jeepney drivers.

Sila umano ang isa sa mga masasabing nagsusumikap talaga para lamang may pantustos sa kanilang pamilya na umaasa sa kanila sa araw-araw.

Maging ang ilang mga bus drivers ay naabutan din ni Basel at bagaman at sila ay mga naka-face mask, mababakas ang mga ngiti sa kanilang labi dahil sa handog na "ayuda" ng vlogger.

Read also

Basel Manadil, nakilala na ang magnanakaw na nanloob sa kanyang resto

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Kamakailan ay nilooban ang isa sa mga branches ng YOLO ngunit agad namang nakilala ang salarin.

Hindi ito ang unang beses na may hindi magandang pangyayari sa buhay ni Basel sa kabila ng pagigi niyang isang mabuting tao.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang sa pagbubukas ng taon, inilahad ni Basel ang nangyari sa biglaang pagkawala ng kanyang itinuring na "Abeoji" sa kanyang mga vlogs.

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Sa kabila ng nangyari na ito sa kanila ni Mr. Chang, binuksan pa rin niya ang Korean store na Yeoboseyo na ang inspirasyon talaga ay ang kanyang "Abeoji".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica