Lola sa Bulacan, nagtitinda ng ulam at kanin sa halagang P5

Lola sa Bulacan, nagtitinda ng ulam at kanin sa halagang P5

- Talagang pro-poor ang isang tindahan sa Meycauayan, Bulacan kung saan ang P5 mo ay makakabili na ng ulam at kanin

- Ayon sa tindera na si lola Mel, para sa mga batang may maliit na baon ay malaking tulong na ito

- Hindi naman makapaniwala at bimilib dito ang batikang broadcaster na si Julius Babao na sinadya pa mismo ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi makapaniwala ang batikang mamamayag ng ABS-CBN na si Julius Babao sa kanyang nadiskubreng tindahan sa Meycauayan, Bulacan.

Sa naturang tindahan kasi ay makakabili ka na ng ulam at kanin sa halagang P5.00 lang.

Ayon sa may-ari at siyang may ideya nito na si lola Mel, para sa mga estudyanteng kapos sa budget at may maliit na baon ang kanyang naisip na "gimik".

Mayroon daw kasing mga batang hindi afford ang halagang P10.00 hotdog.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Para sa kanya, hindi hadlang na siya ay mahirap para hindi makatulong sa kapwa niya mahirap.

At sa kanyang pamamaraan, maraming bata ang hindi na papasok sa eskwelahan na kumakalam ang sikmura.

Bukod sa mga ulam na naka-pack na, kanin na mayroon nang kasamang makakainan, P5 din ang kanyang sariling version ng rice chao fan.

Mayroon ding kikiam, hotdog, itlog ng pugo, chicken roll sa halagang P1.00 isa.

Tunay ngang ang pag tulong, hindi masusukat sa laki o liit ng halagang kaya mong ibigay. At ang kakayahan ng bawat isa ay maaaring magamit natin para maibsan ang kalam ng sikmura ng iba.

Mula sa KAMI, mabuhay ka po lola Mel!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone