Kuya Wil, hinangaan at nais tulungan ang jail doctor na naitampok sa 'I-Witness'

Kuya Wil, hinangaan at nais tulungan ang jail doctor na naitampok sa 'I-Witness'

- Bumilib si Willie Revillame sa jail doctor na itinampok sa dokumentaryo ni Atom Araullo

- Kahanga-hanga ang ginagawa ng doctor sapagkat dalawa lamang ang manggagamot na naka-assign sa National Capital Region

- Nakita ni Willie sa dokumentaryo na hindi madali ang gampanin ng doktor sa loob ng piitan at nais niya itong tulungan

- Nalaman din niyang minsan nang nangibang bansa ang doktor ngunit mas pinili pa rin nitong bumalik sa bansa para tumulong sa mga kababayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihayag ni Willie Revillame ang paghanga niya kay Dr. Henry Fabro, ang jail doctor na naitampok sa dokumnetaryo ni Atom Araullo na 'I-Witness."

Nalaman ng KAMI na ito ang doktor sa episode na "huling pasyente" na naisa-ere noong 2019.

Si Dr. Fabro ang isa sa dalawang doktor na naka-assign sa National Capital Region upang tumingin sa mga nagkakaroon ng karamdaman na Persons Deprived of Liberty (PDL).

Read also

Lolit Solis, inihayag ang kanyang opinyon sa isyu ni Kristoffer Martin at ng kanyang ex

Kuya Wil, hinangaan at nais tulungan ang jail doktor na naitampok sa 'I-Witness'
Photo from Willie Revillame
Source: Instagram

Kwento ng doktor, minsan na niyang nilisan ang bansa at naging doktor sa United Kingdom. Subalit, iba pa rin daw talaga ang nasa sariling bansa at bigyang serbisyo ang mga kababayan.

"Masarap ang buhay sa Pilipinas. Iba talaga kasi Pilipino tayo, ang hinahanap ng katawan natin Pilipinas. Iba kapag kasalamuha mo ang kapwa mo Pilipino," pahayag ng doktor.

"'Yung set-up ng UK maganda, pero mas maganda magsilbi sa kapwa Pilipino," naiiyak na sabi ni Dr. Fabro.

"Sino pa ang tutulong sa kanila? Wala naman nang pumupunta rito. Eh 'di kami-kami na lang tapos hihingi ng tulong sa labas," dagdag pa niya.

Dahil dito, nagpahayag si Willie na nais umano niyang tumulong kay Dr. Fabro sa kung ano man ang kanyang maaring maibigay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Nakakaantig ng puso, isipin niyo galing siya ng London pero umuwi siya ng Pilipinas,"

Read also

Driver sa "AirPods" issue, desididong kasuhan ang nagbanta sa kanyang pamilya

"Doc Henry, saludo kami sa'yo may ginintuang puso ka para sa ating mga kababayan!"

"Kung may maitutulong ako, mga gamot sa ating mga kababayan na mga nakakulong... I'm willing to help sa ating mga kababayan," pahayag ni Willie.

"Dr. Henry, magkasama tayo sa pagtulong sa ating mga kababayan," dagdag pa ni Willie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Wowowin:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Nito lamang Enero ay naging emosyonal ito sa pagdiriwang niya ng ika-60 kaarawan sa programa niyang Wowowin.

Isa sa mga unang bumati kay Willie para sa kanyang kaarawan ay ang anak niyang si Meryll Soriano na isa ring kilalang aktres sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica