Driver sa "AirPods" issue, desididong kasuhan ang nagbanta sa kanyang pamilya
- Desidido pa rin ang Grab driver sa "AirPods" issue kamakailan na kasuhan ang partner ng kanyang naging pasahero na nagbanta umano sa kanyang pamilya
- Minabuti nang ipa-lie detector test ni Raffy Tulfo ang driver at pasahero matapos niyang marinig ang magkabilang panig
- Nang papuntahan na ni Tulfo sa kanyang staff ang driver, tila biglang nagdalawang isip ang driver
- Nilinaw ni Tulfo na sakaling mag-negatibo sa gagawing lie detector test ang driver, di na niya ito susuportahan sa pagsasampa ng kaso sa partner ng pasahero
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Desidido pa ring kasuhan ni Rommel Abatayo, ang Grab driver sa "AirPods" issue kamakailan ang partner ng naging pasahero niyang si Ar-R Gapusan na nagbanta umano sa buhay ng kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na matapos na sumang-ayon ni Rommel sa lie detector test na alok ni Raffy Tulfo, bigla umanong nagdalawang-isip ito nang papuntahan na siya sa staff ng RTIA.
Katwiran ni Rommel, ang pagbabanta umano ni Ar-R ang idinulog niya sa programa at hindi ang tungkol sa nawawalang AirPods ng pasaherong si "Xian."
Para umano sa kanya, tila lalo pang hahaba ang issue kung kakasa pa siya sa lie detector test.
"Ang kaso ko ho talaga dito, yung idinudulog ko ho sa inyo ay yung pagbabanta ni Ar-r, ito hong sa ano na hong ito iPad, AirPod, basta yun ho, ano na po yun e, napagkasunduan na po namin yun e. Wala na ho yun e," paliwanag ni Rommel kay Tulfo.
Dahil dito, muli siyang tinanong ni Tulfo kung pumapayag ba siya o hindi sa pagsasailalim sa lie detector test at ayaw umano niya na lumabas na napipilitan lamang ang driver.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"Pumapayag ho ako, willing ho ako, pero pagkatapos ng lie detector na 'yun, kung positive po negative, tuloy ho tayo ng kaso!" ang sagot ni Rommel kay Tulfo.
Sa puntong iyon, diretsahang sinabi ni Tulfo na susuportahan lamang niya si Rommel sa pagsasampa nito ng kaso kay Ar-r kung lalabas sa lie detector test na nagsasabi ito ng katotohanan.
Subalit kung negatibo ang resulta nito at lalabas na nagsisinungaling lamang siya, wala na umano itong tulong na maibibigay pa sa driver sa pagsasampa nito ng kaso sa partner ng naging pasahero.
Matapos ang diskusyon, tuloy umano ang polygraph o lie detector test na gagawin sa magkabilang panig.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang delivery rider na umano'y nakaranas ng pambabastos ng kanyang customer.
Gayundin ang driver ng truck na binasagan umano ng salamin ng nakaalitan niya sa kalsada. Napag-ayos ni Tulfo ang dalawa sa kanyang programa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh