Sharee Roman ng RTIA, naiyak sa surpresang birthday greeting ng kanyang ina

Sharee Roman ng RTIA, naiyak sa surpresang birthday greeting ng kanyang ina

- Nagulat ang co-host ni Raffy Tulfo na si Sharee Roman sa surpresang birthday greeting sa kanya ng kanyang ina

- Sa pagbati ng ina, nabanggit nitong si Sharee pala ang breadwinner ng kanilang pamilya

- Payo ng ina na alagaan pa nito ang sarili dahil sa sobrang dedikasyon umano nito sa trabaho ay tila nakakalimutan na nito ang sarili

- Dahil sa humanga si Tulfo sa nalaman niya tungkol kay Sharee, nasabi nitong bibigyan niya ito ng increase sa sahod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang naluha ang co-host ni Raffy Tulfo sa 'Wanted sa Radyo' na si Sharee Roman nang surpresahin siya ng kanyang ina ng isang pagbati para sa kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na si Sharee ang breadwinner ng kanilang pamilya kung saan mayroon pa siyang tatlong nakababatang mga kapatid na sinusuportahan.

Read also

Nobyo ng pasahero sa "AirPods" issue, inaming wala siyang kaanak na ex-NCRPO chief

Ayon sa ina ni Sharee na si Rizza Roman, laking pasasalamat niya sa anak dahil siya ang nagtataguyod sa kanilang pamilya.

Sharee Roman ng RTIA, naiyak sa surpresang birthday greeting ng kanyang ina
Photo from Sharee Aira Roman
Source: Facebook
"Siya po 'yung tumatayong ano lahat sa bahay kaya nagpapasalamat po talaga ako"

Pinayuhan din niya ang anak na alagaan ang sarili dahil napansin niyang labis na itong nakatutok sa kanyang trabaho.

Binigyan na rin niya ito ng basbas na maghanap na ng nobyo na nakakatuwang niya sa buhay dahil "hindi na raw bumabata" si Sharee.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Magkaroon ka ng mahal mo na makakasama mo sa buhay medyo nagkaka-edad ka na rin!"

Nagpasalamat naman si Sharee at sinabing kahit na nakakapagsungit na siya pagdating niya mula sa trabaho handa pa rin umano siyang tumayo na parang "padre de pamilya" nila.

At dahil sa humanga si Tulfo sa kwento ni Sharee, nagsabi itong bibigyan niya ng increase sa sahod ang kanyang mahusay na co-host.

Read also

Driver at pasahero kaugnay sa "AirPods" issue, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Sharee Roman ang co-host ni Raffy Tulfo sa programa niyang "Wanted sa Radyo" na mapapanood at mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes sa kanilang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action.

Nitong nakaraang taon kung kailan binulabog ng hindi malamang nilalang ang opisina ni Raffy Tulfo, si Sharee ang naging daan upang makapag-alay na ng katahimikan sa kanilang lugar.

Sa tulong ng mga paranormal expert na sina Ed Caluag, natulungan din nila si Sharee na malubayan na ng elementong nakakasunod pa noon umano sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel