Sharee Roman, ikinuwento na nasundan pa rin umano siya ng 'babae' sa opisina ng RTIA

Sharee Roman, ikinuwento na nasundan pa rin umano siya ng 'babae' sa opisina ng RTIA

- Ikinuwento ni Sharee Roman na tila nasundan pa rin siya ng sinasabing 'babae' na gumambala noon sa opisina ni 'Raffy Tulfo in Action'

- Bumalik umano sila sa opisina nang may ihahtid sila roon at di na niya napigilang pumunta sa banyo

- Ang comfort room sa lobby kung saan siya pumunta ay ang lugar kung saan umano nakita ni Ed Caluag pagpasok pa lamang sa building ng opisina

- Nang sinunod nila ang payo sa kanila ni 'magpagpag', di na muli siya ginambala pa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sharee Roman, ikinuwento na nasundan pa rin umano siya ng 'babae' sa opisina ng RTIA

Sharee Roman (Photo from Sharee Aira Roman's Facebook)
Source: Facebook

Naibahagi ng co-host ni Raffy Tulfo sa 'Wanted sa Radyo' na si Sharee Roman na tila nasundan pa rin umano siya ng 'babaeng' gumambala sa kanila sa opisina ng 'Raffy Tulfo in Action.

Nalaman ng KAMI na matagal na rin umanong hindi nakakapunta si Sharee sa opisina mula nang nagbalik na sila sa studio ng TV5 noong Oktubre 5.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Kwento ng co-host ni Tulfo, Oktubre 8 ng gabi nang sila ay papauwi sakay ng van na service nila, napadaan sila sa opisina upang ihatid ang kanilang kasama.

At dahil hindi na niya kinaya at kinailangan na niyang magpunta sa comfort room, pumasok muli siya sa gusali ng kanilang opisina.

Subalit nang siya raw ay bumalik na sa van, doon na siya nakaramdam muli ng kakaiba.

Nagulat na lamang daw siya nang may biglang sumipa sa kanyang likuran gayung wala nang ibang sakay doon kundi siya na lamang.

"May sumipa sa likod ko, Idol!" pahayag ni Sharee at hindi lamang daw isang beses ito sumipa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Hiindi raw niya ito nasabi agad sa kasama nilang nagmamanaeho at isa pang katrabaho na nakaupo naman sa tabi ng driver.

Ngunit dahil naramdaman niya ang pagsipa ng ilang beses, sinabi na niya ito at nagdesisyon silang 'magpagpag'.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Bago sila bumalik sa sasakyan para makauwi, sinabi ni Sharee na nakiusap na sila huwag na silang sundan. Hindi na muli siya nakaramdam ng sipa.

Sinasabing ang palikuran kung saan nag-CR si Sharee ay ang lugar kung saan unang nakita ng paranormal expert na si Ed Caluag ang babaeng 'bumubulong' at gumagambala sa opisina ng RTIA na napangalanan pa nitong si "Rosalia".

Narito ang kabuuan ng video ni Sharee na nai-kwento niya sa unang bahagi nito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ay nabalot ng kababalaghan ang programa ni Raffy Tulfo matapos na makarinig ng mga tagasubaybay ng kanyang programa ng kakaibang bulong sa ilan sa kanyang mga video.

Agad niya itong pinasuri sa mga paranormal experts na sina Ana Dela Cruz at Ed Caluag na tila nagkatugma ang mga nakita. Maging sa sound engineer ay ikinunsulta rin nila ang naririnig na bulong.

Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Hinahangaan din siya ng marami dahil sa agarang pag-aksyon niya sa mga naaping kababayan at walang humpay na pagtulong sa mga nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel